‘Indefinite stay’ sa mga negosyanteng kukuha ng 10 Pinoy workers, ok sa TUCP

Published by rudy Date posted on September 22, 2008

Sinuportahan ng pinakamalaking organisasyon ng mga manggagawa sa bansa ang bagong visa program ng Bureau of Immigration (BI) na magbibigay ng “indefinite stay” sa mga negosyanteng mamumuhunan at kukuha ng 10 Pinoy workers o higit pa.

Pinuri ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) secretary-general Ernesto Herrera, dating senador at may-akda ng ilang batas na may kaugnayan sa paggawa at trabaho, si Immigration Commissioner Mar­ celino Libanan sa paglalagay ng ganitong programa na makatutulong sa pagbawas sa unemployment rate ng bansa. Ayon sa National Statistics Office, ang unemployment rate ng bansa ay nasa 7.4 percent na, o may katumbas na 2.75 milyong Pinoy na walang trabaho.

Isinusulong ng TUCP ang isang national employment plan na magtatakda sa bawat ahensiya ng gobyerno na magsagawa ng mas maraming labor-intensive projects.

Balak ni Libanan na bigyan ng indefinite non-immigrant visa ang lahat ng dayuhan na magbubuhos ng puhu­nan sa bansa at kukuha ng 10 Pinoy workers o higit pa. Ang programa ay naghihintay na ng pag-apruba ng Pa­lasyo, na siyang maglalabas ng executive orer ukol sa guidelines na gagamitin dito. –Butch Quejada, Philippine Star

24-31 Oct – Global Media and Information Literacy Week

“Unions in Digital Literacy:
Building a Better Future”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories