TUCP umalma sa ‘zero remittance’

Published by rudy Date posted on October 23, 2008

by Butch Quejada
from Pilipino Star Ngayon

Pumalag ang iba’t-ibang grupo ng mga manggagawa sa bantang “zero remittance” ng International Migrants Alliance (IMG) bunsod na rin ng malaking epekto sa ekonomiya lalu na ngayong may nararanasang global financial crisis.

Hindi sang-ayon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa bantang zero remittance ng grupong migrante dahil hindi umano ito ang tamang solusyon upang iparamdam sa pamahalaan na hindi kayang isalba ang ekonomiya kung wala ang mga padalang pera ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sinabi ni dating senador Ernesto Herrera, secretary general ng naturang grupo na hindi dapat magpabuyo ang mga manggagawang Filipino sa ibang bansa sa dikta ng grupong migrante dahil hindi lamang ang ekonomiya ang apektado rito kundi mismong ang kanilang pamilya na umaasa lamang sa padala nilang salapi.

Pinayuhan din ng dating senador ang grupo ng migrante na sa demokratikong pamamaraan na lamang nila idaan, tulad ng pagdaraos ng demonstrasyon at pagsasapubliko ng kanilang mga nararanasang kaapihan idaan ang pagpaparamdam sa gobyerno sa halip na isakripisyo pa ang kapakanan ng kanilang pamilya.

Dapat aniyang isipin ng grupo na hindi naman ang mga mayayaman at makapangyarihan ang maaapektuhan sa kanilang isinusulong na hakbangin kundi ang mga mahihirap na mamamayan na hindi na halos kumakain ng tatlong beses sa maghapon.

Magugunita na nagtak da ang naturang grupo ng zero remittance sa Oktubre 29 na inayunan at sinakyan din ng mga militanteng migrante upang ipamukha sa Arroyo administration na hindi kayang isalba ang ekonomiya ng bansa kung wala silang padalang salapi.

December – Month of Overseas Filipinos

“National treatment for migrant workers!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories