Isang maalab at mainit na pagbati sa Araw ng Paggawa!
Muli, sa araw na ito ating ipakita ang mahigpit na pagkakaisa ng ating hanay, mga manggagawa sa Pilipinas at sa ibayong dagat.
Ipinapaabot rin natin ang ating pakikipagkaisa sa mga manggagawa sa buong daigdig sa dakilang araw ng pandaigdigang paggawa.
Tayo ngayon ay nahaharap sa pandaigdigang krisis at ang lahat ng mga bansa ay naghahanap ng mga pormulang pantawid sa krisis. Tayo ay kaisa sa adhikaing maka-alpas sa krisis. Tayo ay nakahandang makikipag-usap at tumulong para sa kagalingan ng lahat.
Subalit, ito ay di nangangahulugang tayo at ang ating mga karapatan at kagalingan ang isasakripisyo sa dambana ng kapitalismo at tubo.
Higit kailanman, ngayon ang natatanging panahon na pag-ibayuhin ang kapakanan at kagalingan ng mga manggagawa. Ngayon mas napapanahon ang marubdub na pagtataguyod ng decent work agenda ng lahat ng sector – ito ay may apat na haligi ang rights at work, employment, social protection and social dialogue.
Kaugnay nito aming ipinapanawagan at inihahain ang 11-point demands ng TUCP kasama ang 28 federations sa ilalim nito, FFW, AFW, NATU, POLU, Informal Sector at OFWs:
1.KAGYAT NA SUPPORTA SA MGA MANGGAGAWA
a.Sa mga manggagawang nawalan ng trabaho
• Isabatas na ang UNEMPLOYMENT INSURANCE. Bigyan ng tulong pinansiyal na ‘di bababa sa mínimum wage ang lahat ng nawalan ng trabaho bunsod ng global financial crisis.
• Aloksyon ng P5 bilyong PGS Training at Re-Training Fund para sa mga skills na in-demand at sa industriya na may kailangan.
• Unahin sila sa lahat ng programa ng gobyerno. Partikular sa SPES at OYSTER, unahin ang mga anak ng mga nawalan ng trabaho.
• Suspensiyon sa pagbabayad sa SSS, GSIS, Pag-Ibig housing at salary loans para sa nawalan ng trabaho.
b.Sa mga manggagawang may trabaho, ayudang pantawid sa krisis sa pamamagitan ng mga sumusunod:
• Masmababang interés na pautang mula sa SSS, Pag-Ibig, GSIS, LandBank atbp.
• Refund ng 50% ng 2008 tax collection sa mga minimum wage earners kaugnay ng Tax Relief Package Law of 2008 na ngayon ay nakabinbin sa Korte Suprema.
• Alisin ang tax sa overtime pay, sa leave credits na converted sa cash, at sa mga “de minimis” benefits.
• Rationalize credit card interest and investigate credit card companies’ oppressive collection practices
• Itaas ang PhilHealth benefits para sa lahat ng manggagawa sa pormal na sektor (pribado at gobyerno), informal sector, indigents at indigenous people. Mahirap magkasakit. Mas mahirap magbayad pag nagkasakit dahil di sapat ang PhilHealth benefits.
• Ibasura ang probisyon sa BMBE Law na pinapayagan ang di pagbabayad ng minimum wage sa mga kompanyang namumuhanan ng di lagpas sa P3 million
• Itigil ang patuloy na oil price manipulasyon ng oil cartel sa bansa. Rebisahin ang Oil Deregulation Law.
• Dagdagan at palawakin ang mga bilihan ng murang bigas at gamot.
• Padamihin ang affordable housing at dormitorio para sa mga nagtatrabaho sa economic zones at call centers.
• Gawing partner at conduit ang mga labor centers at pederasyon sa pump-priming activities ng gobyerno lalung- lalo na sa livelihood, training at retraining ng manggagawa.
• At magkaroon ng moratorium sa pagtaas ng tuition and other fees at renta ng bahay.
c. Para sa mga manggagawa sa gobyerno
• Pabilisin ang pag-release ng GSIS benefits
• Pabilisin ang approval at implementasyon ng Salary Standardization Law III
• Amyendahan ang EO 180 – gawing makatotohanan ang karapatang mag-unyon sa gobyerno
• Alisin ang restriksyon at pabilisin ang pagkakaroon ng Provident Fund para sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.
• At tigilan muna ang rationalization plan na mag-lay-off ng mga government employees.
2. BIGYANG KATUPARAN ANG FREEDOM OF ASSOCIATION AND COLLECTIVE BARGAINING RIGHTS NG MGA MANGGAGAWA.
– Igalang at pairalin ang karapatan ng mga manggagawa na mag-organisa at maglunsad ng sama-samang pagkilos sa mga economic zones.
– Magkaroon directive sa DOLE at PEZA hinggil rito at gawing regular ang “company audit for productive labor practices” bilang rekisito sa pagkakaloob ng business incentives.
– Ibalik ang direct certification sa unorganized establishments, ipatupad ang “employer as by-stander rule” sa certification election, at rebisahin ang inclusion/exclusion process pre-election conferences.
3. BIGYANG SAYSAY ANG PROHIBITION NG BATAS PAGGAWA HINGGIL SA “LABOR-ONLY CONTRACTING” SCHEME.
– Tigilan ang kalokohan ng mga nagkukunwaring kooperatiba na mga labor-only contractors naman!
4. PABILISIN ANG PAGRERESOLBA NG MGA KASO NG MGA MANGGAGAWA AT PAIGTINGIN ANG LABAN SA KORAPSYUN.
– NLRC at DOLE, Hoy Gising! Pabilisin ang pagdedesisyon sa mga labor cases.
– Isakatuparan ang Efficiency and Integrity Board sa NLRC. Talamak na ang korapsyon at kabagalan. Kung kailangang palitan ang NLRC, so be it!
5. PAIGTINGIN ANG KAMPANYA LABAN SA DISKRIMINASYON NG KABABAIHAN
• Isabatas ang “Magna Carta of Women”
• Palawakin ang social protection para sa kababaihan na nasa “informal sector.”
• Amendyahan ang batas sa discrimination, sexual harassment at trafficking in persons
• Ipalaganap at pondohan ng pamahalaan ang isang agresibong pamamahala ng programa ng populasyon at “responsible parenthood” para sa lahat.
• IPASA NA ANG RH BILL!!
6. ITIGIL ANG PAGGAMIT NG CHILD LABOR AT SERYOSONG IPATUPAD ANG MGA PROGRAMA LABAN SA CHILD EXPLOITATION.
7. ITIGIL ANG DISCRIMINASYON SA MGA MAY EDAD AT MATATANDA AT DIFFERENTLY-ABLED PERSOSNS. EMPLOYMENT OPPORTUNITIES SHOULD BE AVAILABLE TO ALL BASED ON SKILLS AND EXPERIENCE, DI SA EDAD O KAPANSANAN.
8. PAGTIBAYIN AT SERYOSOHIN ANG PAGBIBIGAY PROTEKSIYON SA ATING MGA OFWS. SILA ANG PANGUNAHING NAGPAPATAKBO SA EKONOMIYA NG BANSA KAYA NARARAPAT LANG NA BIGYAN NG KARAMPATANG PROTEKSYON. PANGUNAHIN DITO ANG PAGSASAAYOS NG STANDARD CONTRACTS AND DOCUMENTS UPANG ALIGNED SA ILO CONVENTIONS, CEDAW, AT RA 8042.
9. MORATORIUM SA SCHEDULED TARIFF REDUCTION SA ILALIM NG CEPT AT SA IBA PANG INTERNATIONAL AGREEMENTS. ITIGIL ANG PAGSAKAL NG MGA FREE TRADE AGREEMENTS SA ATING INDUSTRIYA AT MGA MANGGAGAWA.
10. PAGKALINGA SA ENVIRONMENT AT ‘CAPACITY-BUILDING PARA SA UNION, MANGGAWA AT INDUSTRIYA’ UPANG MAKAPAGTAGUYOD NG ALTERNATIBONG PROSESO SA PRODUKSIYON NA HINDI NAKAKASIRA SA KALIKASAN.
Parusahan ang nagtatapon ng industrial waste sa mga ilog at dagat. Ipagbawal ang importasyon, produksiyon, paggamit sa proseso at pagbebenta ng nakamamatay na asbestos sa mga pagawaan.
11. AT ANG PANGHULI, SUBALIT NAPAKAHALAGA AY ANG AMING PANAWAGAN NA ANG SSS AT GSIS AY MAG-INVEST SA LRT/MRT PROJECTS TO GENERATE LOCAL EMPLOYMENT AT PROFIT PARA SA SYSTEMS, SA HALIP NA MGA DAYUHANG KAPITALISTA AT DOLLAR DENOMINATED ANG INVESTMENTS, WHICH MAKES THE USE OF THE LRT/MRT MASS TRANSPORT SYSTEM EXPENSIVE TO ORDINARY WORKERS.
Marami tayong kailangan. Marami tayong dapat pang pag-uusapan. Subalit malinaw sa ating lahat na ang 11-point demand ay di mangyayari ma-realize overnight. Mahaba-haba ang proseso kaya’t kinakailangan ang ating determinasyong isulong ang ating inihain na 11-point demands.
Hanggang sa muli, MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA!!
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos