May malasakit ngunit walang kaluluwa

Published by rudy Date posted on October 11, 2010

Lagi nating sinasabi ang katagang, “May malasakit” upang purihin ang isang taong kusang-loob na tumutulong sa kapwa taong nahihirapan sa buhay o di kaya’y sumasagip sa kapwa taong nasa bingit ng kapahamakan. “Walang kaluluwa!” ang ipinararatang natin pag tayo’y nasusuklam sa isang taon ay walang hunos-diling namiminsala o namamaslang ng kapwa.

May malasakit! Walang kaluluwa! Ito ang dalawang matinding paniniwala ang parang naguumpugang bato at yumayanig sa damdamin at kaisipan ng mga totoong Katoliko, kapag ang RH (Reproductive Health) bill ay agresibong tinutulak ng mambabatas.

Nakaugnay ang pagmamalasakit ng RH bill sa mga Filipinang ang pagbubuntis ay labag sa kanilang kalooban dahil sa iba’t ibang dahilan. Maaring ang nagbubuntis ay walang pagmamahal sa sanggol na iluluwal. O di kaya’y malaking iskandalo pagkat ang sanggol ay bunga ng pagtataksil sa tunay na asawa.

O di kaya’y magiging pahirap lang ang sanggol sa buhay, lalo na’t ang ina ay dukha at sa puntong ito nakasalalay ang tunay na dahilan sa pagkatha ng RH bill.

Anuman ang dahilan, ang RH bill ay may alay na impormasyon at serbisyo bilang pagmamalasakit sa mga babaeng labag sa kalooban ang pagbubuntis. Pero sa totoo lang, ang talagang pakay ng RH bill ay bawasan ang pagsisilang ng milyun milyung mga sanggol upang masugpo ang paglaki ng ating populasyon (95 milyon ngayon). Ang ating lumalaking populasyon ang binabagsakan ng sisi ng ating mambabatas sa hindi pag-asenso ng ating ekonomiya.

Ang solusyon ng RH bill ay teknikal, hindi rational, at lalong hindi moral. Gagawing batas at ipatutupad sa mga health workers ng pamahalaan ang legal na paggamit ng mga contraceptives upang sugpuin ang pagbubuntis, at mga abortifacients upang utasin ang buhay ng mga sanggol sa sinapupunan ng milyun-milyung mga ina.

Sa pagsasagawa ng mga hakbanging ganito ay biglang naglaho ang ikinakatwirang may malasakit ang RH bill sa pagtataguyod ng dignidad at kalayaan ng babaeng Filipino. Mas luminaw ang paratang na walang kaluluwa ang sinumang walang hunos-diling papaslang sa isang sanggol na walang kasalanan at may karapatang mabuhay sa mundong ito.

Ang isip may malasakit at isip walang kaluluwa ay may malalim na kahulugan sa pagsulong ng sibilisasyon at idyolohiya ng Kristyanismo kaya’t napakahalaga sa tao nito. Sa banal na aklat, ang The Good Samaritan ang batayan ng pagsaklolo, pagkalinga at pagmamahal sa kapwa taong masaklap ang kapalaran sa buhay. Ganito ang ipinakita ng mga Pilipino noong Ondoy. Sa ating henerasyon, ang modelo ng may malasakit ay isang santo, si Mother Teresa of Calcutta.

Ang ehemplo naman ng isang taong walang kaluluwa ay isang pinakamataas na pinunong Nazism sa Europa na walang hunos-diling pumatay ng milyon milyong katao. Siya’y si Adolf Hitler. Kampon ni Satanas, ang tawag sa kanya.

Masyadong nakatutok ang RH bill sa buhay na materyal. Dinidiyos ng RH bill ang survey. Ang kagustuhan ng tao ang ginagawang basihan kung ano ang tama o mali.

Walang masama, walang kasalanan, basta’t para sa kapakanan, kasiyahan at kaginhawaan ng buhay ng tao dito sa lupa. Sa ganito ring paningin ibinatay ang mga panukala ng RH bill at ang mga panukulang ito ang iwawagayway sa lahat ng Pilipino, sa ngalan ng karapatang pantao (human rights). Paano na ang pananampalataya ng mga taong may relihiyon?

Salungat (oxymoron) at matalinhaga ang katagang “May malasakit, ngunit walang kaluluwa.” Mahirap tanggapin ang pahayag na ito ng mga taong makasarili lamang, walang iginagalang na utos ng Diyos, at di pinahahalagahan ang buhay spiritwal at kaluluwang imortal.

Malinaw naman ang pahayag na ito sa mga Kristyano at totoong Katolikong isinasapuso ang dasal na Credo at Pater Noster habang sila ay taimtim na makikilahok sa sakripisyo ng banal na misa tuwing Linggo ng pangilin.

Alam ng karamihan na ang tunay na dahilan sa pagdurusa at kakulangan sa buhay ng mga mahihirap ay dahil sa kapabayaan at ng isang pamahalaang may ugaling kurakot, pangit magsilbi, at mapagsamantala.

Ang problema ng populasyon ay maihahalintulad natin isang taong malaki ang paa ngunit maliit ang gagamiting sapatos. Sa RH bill, ang solusyon ng pamahalaan ay kunin ang patalim at tapyasin ang paa, gayung ang tamang solusyon ay lumikha ng mas malaking sapatos. Madugong madugo! Isang pakana ng walang Kaluluwa! –Minyong Ordoñez, Manila Times

Minyong Ordoñez is a freelance journalist and a member of the Manila Overseas Press Club. www.minyongordonez.wordpress.com

Email: hgordonez@gmail.com

January 24 –
International Day of Education

“Lifelong learning for everyone!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories