2 tripulante, patay sa chemical poisoning sa Palawan

Published by rudy Date posted on July 18, 2013

“Patay ang dalawang tripulante matapos makalanghap ng hinihinalang sodium cyanide sa loob ng storage ng kanilang MV San Felipe fishing boat sa Taytay, Palawan.” Patay ang dalawang tripulante matapos makalanghap ng hinihinalang sodium cyanide sa loob ng storage ng kanilang MV San Felipe fishing boat sa Taytay, Palawan.

Base sa imbestigasyon, unang pumasok sa storage ang biktimang si Rafael Ador ngunit hindi kinaya ang nalanghap, dahilan ng pagtumba at agarang pagkasawi nito.

Sinubukan siyang isalba ng kasamahang si Japet Albina subalit nasawi rin.

Dinala naman sa Taytay Hospital at patuloy na ginagamot ang lima pang tripulanteng sina Wilson Gratones, Diosdado Leopoldo Jr., Danny Fernandez, Ferlon Limit at Cornelio Abelionar.

Hawak na ng Taytay Police ang kapitan ng lantsa at isasailalim sa imbestigasyon dahil sa posibleng pagdadala ng kemikal sa pangingisda.

Katwiran naman ng kapitan, posibleng may nakain lamang ang dalawang biktima na dahilan ng pagkamatay ng mga ito.

Galing sa Malabon ang nasabing fishing boat. Report from Romy Luzares, DZMM Correspondent

Month – Workers’ month

“Hot for workers rights!”

 

Continuing
Solidarity with CTU Myanmar,
trade unions around the world,
for democracy in Myanmar,
with the daily protests of
people in Myanmar against
the military coup and
continuing oppression.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories