Pulse Asia: Mas maraming Pinoy, naniniwalang walang nagbago sa ekonomiya

Published by rudy Date posted on July 31, 2013

“Mahigit apat sa kada 10 Pinoy o 43% ang nagsasabing walang nagbago sa sitwasyon ng ekonomiya kumpara noong isang taon.” Mas marami pa ring Pinoy ang naniniwalang walang nagbago sa ekonomiya ng Pilipinas.

Sa Pulse Asia survey na isinagawa noong Hunyo 20 hanggang Hulyo 4 sa 1,200 na may edad 18 pataas, lumitaw na mahigit apat sa kada 10 Pinoy o 43% ang nagsasabing walang nagbago sa sitwasyon ng ekonomiya kumpara noong isang taon.

29% naman o halos tatlo sa kada 10 Pinoy ang nagsabing lumala pa ang ekonomiya, samantalang 28% o halos tatlo rin sa kada 10 Pinoy ang nagsabing bumuti ito.

Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), pumalo sa 7.8% ang gross domestic product (GDP) ng bansa noong unang quarter ng 2013. Ito anila ang pinakamataas sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kabila nito, mistulang hindi pa rin nararamdaman ng mga Pinoy ang paglago kaya patuloy na hinahamon ng ilang mambabatas at militante si PNoy na tuparin ang pangakong inclusive growth o pagpaparamdam sa mahihirap ng pag-unlad ng bansa. –dzmm.com.ph

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories