Anti-discrimination bill, isusulong ng lider ng Kamara; LGBT, kabilang sa poprotektahan

Published by rudy Date posted on August 2, 2013

Inihayag ng dalawang lider ng Kamara de Representantes na isusulong nila ang panukalang batas na naglalayong alisin ang diskriminasyon sa iba’t ibang sektor kabilang na sa lesbians, gays, bisexuals, and transgenders (LGBT).

“I am for the anti-discrimination bill,” deklara ni Speaker Feliciano Belmonte Jr., kasunod ng paghahain nina Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao at Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat Jr., ng magkahiwalay na panukalang batas tungkol sa nasabing usapin.

Kamakailan lang ay inihayag ni Pope Francis na hindi dapat i-marginalized ang mga gay pero nananatiling kasalanan ang “homosexual act.”

Layunin ng inihaing panukala sa Kamara na maalis ang diskriminasyon at stigma na nararanasan umano ng tinatawag na LGBT community.

Basahin: Sotto denies blocking inclusion of LGBTs in anti-discrimination bill

Ayon kay Baguilat, chairman ng House committee on agrarian reform, umaasa siyang hindi ituturing usaping moral ng kanyang mga kapwa mambabatas ang kanyang panukalang batas.

“I already told the LGBTS community during their forum that I will champion the passage of the anti-discrimination bill and I hope it will not be a morality debate but a discussion premises on granting the fulfillment of the rights to indigenous peoples and LGBTs,” ayon sa mambabatas.

Idinagdag ni Baguilat na mas makabubuting ang anti-discrimination bill ang isalang sa deliberasyon sa halip na ang mas kontrobersiyal na same-sex marriage na mahigpit na tinututulan ng Simbahang Katoliko. – RP/FRJ, GMA News

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories