Tatlo katao ang nasugatan sa naganap na pagsabog sa pagawaan ng paputok sa Lapu-lapu City, Cebu nitong Huwebes ng hapon.
Dinala sa ospital dahil sa tinamong mga paso at sunog sa katawan sina Marlon Ducanes, Jonathan Tante, at Noli Aying, anak ng may-ari ng pagawaan ng paputok.
Sa tatlo, si Tante ang nagtamo ng pinakamalubhang pinsala dahil sa nasunog na malaking bahagi ng katawan.
Ayon sa mga biktima, gumagawa sila ng kwitis nang biglang magliyab ito sa hindi nila malamang dahilan, na nasundan ng pagsabog.
Iniimbestigahan ng pulisya ang dahilan ng insidente at kung may kaukulang permit ang pagawaan ng paputok.
Samantala, isang tatlong taong gulang na lalaki ang nasugatan sa sunog na naganap sa Sitio San Antonio, sa Cebu City nitong Biyernes.
Tinatayang nasa 20 bahay ang tinupok ng apoy na nagsimula dakong 5:00 p.m.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang halaga ng pinsala ng sunog at papaano ito nagsimula. – Nikko Serano/FRJimenez, GMA News
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos