Pagdami ng umano’y ‘freelance’ sex workers sa Baguio City, ikinabahala

Published by rudy Date posted on March 25, 2014

Ikinababahala ng Baguio City Health Office ang pagdami ng mga tinatawag na “freelance” sex workers sa lungsod. Hindi umano namomonitor ang kilos at kalusugan ng mga ito na maaaring maging dahilan ng paglaganap ng sexually transmitted disease o STD.

Sa ulat ni Charice Victorio sa GMA News TV’s “Balita Pilipinas Ngayon,” ipinaliwanag na kumpara sa mga “regular” sex workers sa ilang night spots sa lungsod, ang mga “freelance” sex workers ay hindi umano sumasailalim sa regular check-up o lingguhang pagsusuri sa kanilang kalusugan.

Batay umano sa pinakahuling surveillance na ginawa ng Baguio city Health Office, tinatayang aabot umano sa mahigit 1,000 ang freelance sex workers na gumagala sa gabi sa ilang lugar sa lungsod.

Karamihan sa mga ito ay nagmula pa raw sa mga karatig lalawigan at mayroon ding nagmula sa Visayas at Mindanao.

Dahil pagala-gala lalo na sa ilang lugar, nahihirapan daw ang City Health Office na mamonitor ang mga sinasabing sex workers.

Ang ganitong kalakaran ang isa raw sa mga sanhi ng pagkalat ng sexually transmitted disease o STD.

Base umano sa 2013 data ng City Health Office, tinatayang aabot sa 300 ang kaso ng STD cases sa lungsod at kabilang dito ang gonorrhea o syphilis.

Gayunpaman, sinabi ng lokal na pamahalaan na may mga proyekto na raw ang lokal na pamahalaan para mabigyan ng mas disenteng kabuhayan ang mga sex worker na nais mag-iba ng trabaho. — FRJ, GMA News

July 2025

Nutrition Month
“Give us much more than P50 increase
for proper nutrition!”

Invoke Article 33 of the ILO Constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of
Forced Labour and Freedom of Association protocols.

Accept National Unity Government (NUG)
of Myanmar.  Reject Military!

#WearMask #WashHands #Distancing #TakePicturesVideosturesVideos

Time to support & empower survivors. Time to spark a global conversation. Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!

July


3 July – International Day of Cooperatives
3 Ju
ly – International Plastic Bag Free Day
 
5 July –
World Youth Skills Day 
7 July – Global Forgiveness Day
11 July – World Population Day 
17 July – World Day for
International Justice
28 July – World Nature Conservation Day
30 July – World Day against Trafficking in Persons 


Monthly Observances:

Schools Safety Month

Nutrition Month
National Disaster Consciousness Month

Weekly Observances:

Week 2: Cultural Communities Week
Micro, Small, and Medium Enterprise
Development Week
Week 3: National Science and
Technology Week
National Disability Prevention and
Rehabilitation Week
July 1-7:
National Culture Consciousness Week
July 13-19:
Philippines Business Week
Week ending last Saturday of July:
Arbor Week

 

Daily Observances:

First Saturday of July:
International Cooperative Day
in the Philippines

Categories

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.