Top 10 part-time jobs

Published by rudy Date posted on March 20, 2014

“Para sa mga nagnanais makakita o makaipon ng extra income, ang part-time job ang alternatibong solusyon.”
Para sa mga nagnanais makakita o makaipon ng extra income, ang part-time job ang alternatibong solusyon.

Ayon sa recruitment firm na JobsDB.com, malaking tulong ang pagkakaroon ng part-time na trabaho sa mga Pinoy ngayon.

“This one is advisable for people on the go, gusto nila na hindi sila tied up sa everyday work nila. Also for mothers that are just at home just taking care. At part-time lang nila… At least meron silang additional income. For those who work on shifting schedule,” ani Sheryll Tiburcio, JobsDB.com general manager.

Inilabas nila ang top 10 na in-demand na alternatibong trabaho online kabilang ang sumusunod.

1. Graphic and web designer
2. Online survey takers
3. Financial auditor
4. Net programmer
5. Data encoder
6. English and chinese teachers
7. Foreign language instructors, assessors at translators
8. Part- time survey agents
9. Search engine optimization specialist
10. Writers

Aabot sa P12,000 hanggang P50,000 ang puwedeng kitain sa mga nabanggit na trabaho.

In-demand din naman ang trabahong hindi ginagamitan ng Internet tulad ng:

1. Account executives
2. Programmers
3. Dermatologists
4. Graphic at web designer
5. Accounting practitioner
6. Barista
7. Call center agents
8. Real estate agents
9. English instructor
10. Researcher

Sinabi ni Tiburcio na laganap ang trabahong part-time dahil mahirap punan ng mga empleyado ang ilang mga bakanteng trabaho.

Sa kabila ng mga oportunidad, importante pa rin na seryosohin ng mga aplikante ang kanilang pag-apply sa trabaho gaya ng pagsusulat ng magandang resume na nagpapakita ng natatanging experience o kakayahan na sakto sa ina-aplayang trabaho. –dzmm.com.ph, report from Jasmin Romero, ABS-CBN News

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories