8 patay sa nasunog na bodega sa Pasay

Published by rudy Date posted on May 30, 2014

“Walo ang kumpirmadong patay matapos masunog ang isang warehouse sa Samonte Street, Barangay 47, San Isidro, Pasay, Biyernes ng umaga. ”

(UPDATE) Walo ang kumpirmadong patay matapos masunog ang isang warehouse sa Samonte Street, Barangay 47, San Isidro, Pasay, Biyernes ng umaga.

Ayon kay Pasay Fire Marshall Chief Insp. Douglas Guiyab, nakulong sa loob ng maliit na silid ang mga nasawi na pawang mga kasambahay at karamihan sa kanila’y na-suffocate.

Sa imbestigasyon, posibleng hindi nakalabas ang mga biktima, na pawang mga babae, dahil naka-padlock ang pinto ng kanilang kwarto mula sa labas.

Naka-grills din ang bintana ng mga silid ng mga biktima na natagpuang patay nang magkakapatong malapit sa pintuan.

Kinilala ang mga nasawing sina kung saan dalawa ang mula sa Tanjay, Negros Oriental, lima ang mula sa bayan ng Tayasan habang isa ang mula sa bayan ng Bindoy.

– Heideliza Ib-Ib, 24-anyos (5 taon nang naninilbihan)
– Lorena Ib-Ib, 21 (2 taon nang naninilbihan)
– Angeline Quillano, 21 (2 taon nang naninilbihan)
– Shelalyn Habagat, 19 (3 taon nang naninilbihan)
– Jelsa Saburiga, 19 (2 taon nang naninilbihan)
– Renelyn Debaguio, 21 (3 taon nang naninilbihan)
– Maricris Palmesa Calumba, 21 (3 taon nang naninilbihan)
– Floralyn Balucos, 20 (3 taon nang naninilbihan)

Nagpapagaling naman sa Pasay General City Hospital ang pito sa mga nakaligtas at dalawa ang nasa barangay hall.

Umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog subalit hanggang alas-6:10 ng umaga, under control pa lamang ang apoy na nagsimula sa unang palapag ng two-storey warehouse na pag-aari ni Juanito Go.

Ayon kay Eddie Alas, kagawad ng barangay, noong nakalipas na taon pa nakakatanggap ng reklamo mula sa mga tauhan dahil hindi anila sila pinalalabas, bagay na pinabulaanan naman ni Go.

Pero salaysay ni Nikki Torres, isa sa mga nakaligtas, totoong ipina-padlock ang kanilang mga tinutuluyang kwarto at nakaligtas lamang siya matapos tumalon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sakaling mapatunayang ini-lock sa loob ang mga biktima, mahaharap sa kaso ang may-ari ng nasunog na establisyimento.

Napag-alaman din na sa halip na commercial, idineklara lamang na residential ang nasunog na gusali.

“Residential, inaano nga namin nung business permit nila.. Hindi ho siya declared as warehouse.. We will consult with the police kung ano ang pwede nilang isampa doon,” dagdag pa ni Guiyab.

Hawak na ng Pasay Police si Go upang maibestigahan dahil sa mga reklamo. Report from Dexter Ganibe, Radyo Patrol 45. –dzmm.com.ph

March 2025

It’s women’s month!

“Support women every day of the year!”

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!
#WearMask #WashHands #Distancing #TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!

Monthly Observances:
Women’s Role in History Month

Weekly Observances:
Week 1: Environmental Week
Women’s Week
Week 3: Philippine Industry and Made-in-the-Philippines
Products Week
Last Week: Protection and Gender-Fair Treatment
of the Girl Child Week

Daily Observances:
March 8: Women’s Rights and
International Peace Day;
National Women’s Day
Mar 4— Employee Appreciation Day
Mar 15 — World Consumer Rights Day
Mar 18 — Global Recycling Day
Mar 21 — International Day for the Elimination of Racial Discrimination
Mar 23 — International Day for the Right to the Truth concerning Gross Human Rights Violations and for the Dignity of Victims
Mar 25 — International Day of Remembrance of the Victims of Slavery and the Transatlantic Slave Trade
Mar 27 — Earth Hour

Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories