Lineman ng Meralco, binaril habang nasa itaas ng poste

Published by rudy Date posted on May 23, 2014

“Sugatan ang isang lineman ng Meralco matapos barilin habang nasa itaas ng poste para magputol ng ilegal na koneksyon sa 13th Street kanto ng Roberto Oca sa Port Area Manila.”

(UPDATED) Sugatan ang isang lineman ng Meralco matapos barilin habang nasa itaas ng poste para magputol ng ilegal na koneksyon sa 13th Street kanto ng Roberto Oca sa Port Area Manila.

Ayon sa mga nakasaksi at sa tatlong police escorts nito, nakarinig sila ng isang putok saka nahulog mula sa poste ang biktima na kinilalang si Jobylen Salazar Hamile.

Nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa braso, at isinugod sa Manila Doctors Hospital.

Rumisponde naman ang ilang kawani ng Manila Police District (MPD) kasama ang Special Weapons and Tactics (SWAT) team, at ginalugad ang kalapit na gusali kung saan pinaniniwalaang pumwesto ang gunman pero nabigong abutan ang salarin.

Nasa maayos naman nang kondisyon ang biktima. Report from Noel Alamar, Radyo Patrol 38. –dzmm.com.ph

December – Month of Overseas Filipinos

“National treatment for migrant workers!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories