Satisfaction rating ng Aquino admin, sumadsad sa pinakamababa mula 2010 – SWS

Published by rudy Date posted on April 21, 2015

Sumadsad sa pinakamababa ang satisfaction rating ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Marso 20 hanggang 23 sa 1,200 respondents, pumalo lang sa 48% ang kuntento sa trabaho ng gobyerno, 29% ang hindi kuntento, at 23% ang walang desisyon.

Lumalabas dito na +19 ang net score (% satisfied minus % dissatisfied) ng administrasyon na pumapasok sa klasipikasyong “moderate.”

Mas mababa ito ng 15 puntos sa “good” +34 net score ng gobyernong Aquino sa huling quarter ng 2014, at pinakamababa na mula nang manungkulan si PNoy noong 2010. Ang dating record low ng Aquino administration ay +29 na naitala noong Hunyo 2014.

Iniuugnay naman ng ilang analysts ang pagbagsak ng rating ng administrasyon sa madugong engkwentro sa Mamasapano, na siya ring nagpasadsad sa rating ni PNoy.

Rating ng administrasyon sa iba’t ibang isyu

Sa pinakahuling survey ng SWS, “good” ang rating ng administrasyon sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad at mahihirap, pagtaguyod sa kapakanan ng OFWs, pangangalaga sa kapaligiran, at pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.

“Moderate” naman ang rating ng gobyerno sa paghahanda sa epekto ng climate change, pagtatanggol sa teritoryo, pagsasabi ng katotohanan sa taumbayan, pagpapanumbalik ng kapayapaan sa Mindanao at paglikha ng trabaho.

Pero “neutral” na ang rating ng Aquino admin sa paglaban sa krimen, pag-aayos sa mga lugar na nasira sa kaguluhan sa Mindanao, paglaban sa terorismo at kurapsyon, pakikipag-ayos sa Communist at Muslim rebels, at pag-aksyon laban sa pagmahal ng bilihin.

“Poor” naman ang rating ng gobyerno sa pagtitiyak na walang pamilya ang magugutom at pagpawi sa pangambang nananamantala ang mga kumpanya ng langis.

At “very bad” ang rating ng administrasyong Aquino sa pagresolba sa Maguindanao massacre.

Unang inilathala ang survey sa BusinessWorld. –dzmm.com.ph

Month – Workers’ month

“Hot for workers rights!”

 

Continuing
Solidarity with CTU Myanmar,
trade unions around the world,
for democracy in Myanmar,
with the daily protests of
people in Myanmar against
the military coup and
continuing oppression.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories