Baldoz, nagalak sa pagtataas ng WEF sa antas ng turismo dulot ng pagsunod sa batas-paggawa

Published by rudy Date posted on May 25, 2015

Mula sa Department of Labor and Employment

Noong nakaraang linggo, inilabas ng World Economic Forum ang Travel and Tourism Competitiveness Report 2015 nito kung saan ang Pilipinas ay nasa ika-74 sa 141 bansa sa tourism competitiveness, mataas ng 8-marka mula sa nakaraang antas na ika-82 (2013).

Nagpahayag ng kagalakan si Kalihim Rosalinda Dimapilis-Baldoz ng Paggawa at Hanap-buhay sa pagbuti ng turismo ng Pilipinas batay sa nakasaad sa World Economic Forum’s Travel and Competitiveness Report 2015, at ito ay nagpahayag na ang suporta ng DOLE sa pagbuti ng turismo ay dahil na rin sa patuloy na pagpapatupad ng bagong Labor Law Compliance System (LLCS), kung saan madaragdagan ang mga lugar-turismo na idideklarang labor law compliant sa mga darating na buwan.

“Idineklara natin na labor law compliant ang limang lugar na pinupuntahan ng mga turista —Guimaras Is.; Boracay Is.; Camiguin Is.; Dinagat Is.; at Siargao Islands. Nakatakda kaming magdeklara ng iba pang lugar-turismo sa darating na buwan. Tinutulungan nang ating DOLE regional offices ang mga establisyamento na tumupad sa lahat ng batas-paggawa, pamantayan at regulasyon ukol sa occupational safety at health, at batas laban sa pag-eempleyo ng mga kabataan bago natin ideklara ang isang lugar-turismo bilang labor laws compliant at bago kami makapagtayo ng marker sa isang lugar-turismo,” aniya.

“Kasunod na ang Baler sa Aurora at Vigan sa Ilocos Sur,” dagdag niya.

Noong nakaraang linggo, inilabas ng World Economic Forum ang Travel and Tourism Competitiveness Report 2015 nito kung saan ang Pilipinas ay nasa ika-74 sa 141 bansa sa tourism competitiveness, mataas ng 8-marka mula sa nakaraang antas na ika-82 (2013).

Nakasaad sa ulat na ang Pilipinas ay nakatanggap ng mataas na marka sa “price competitiveness and prioritization of travel and tourism and international openness”.

Ayon kay Baldoz, mula nang ipatupad ang Labor Laws Compliance System, o LLCS, noong isang taon, patuloy na tinitingnan ng DOLE ang pagsunod ng mga establisyamento sa bansa sa mga lugar-turismo na may layuning itakda ang mga ito bilang labor law compliant. Sa bawat destinasyon, ang DOLE ay naglalagay ng marker para makita ng lahat ng turista.

Nagpahayag ng suporta sa DOLE si Kalihim Ramon Jimenez ng Turismo, kung saan kanyang winika na ito ay makakabuti para sa lahat ng turista, manggagawa at mamumuhunan.

“Sa pagdedeklara at paglalagay ng marker, umaasa kami na maipapahayag sa buong mundo na ang lahat ng establisyamento na nagbibigay ng produkto at serbisyo sa mga turista ay nagbibigay ng tamang sahod at benepisyo at sila ay ligtas at malusog sa kani-kanilang lugar-pagawaan,” paliwanag ni Baldoz. “Dahil ditto, inaasahan namin na mas maraming turista ang darating,” dagdag pa niya.

Noong 2014, may 4.9 milyong turista ang bumisita sa bansa, 3.2 porsiyentong mahigit sa dumating na turista noong 2013. Tinataya na ang isang turista ay gumagastos ng may US$1,00 habang narito sa bansa, kalahati rito ay para sa kanilang tinutuluyan, pagkain, at inumin. “Mas maraming turista ay nangangahulugan ng mas maraming trabaho,” ani Baldoz.

Sa ilalim ng LCCS, ang mga establisyamento, kasama na ang mga nasa turismo, tinitingnan kung sila ay tumutupad sa mga batas-paggawa at binibigyan ng Certificates of Compliance.

Sa pagkakataon na may kakulangan ang isang establisyamento, ang DOLE, sa pamamagitan ng 574 Labor Laws Compliance Officers (LLCOs), ay nagbibigay ng tulong teknikal at serbisyo upang agad itong maiwasto at makapag-sumite ng mga plano para sa lubos na pagtupad sa batas-paggawa.

dole.gov.ph

January 24 –
International Day of Education

“Lifelong learning for everyone!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories