Tatlong manggagawa sa isang minahan sa Masbate ang namatay makaraan silang ma-suffocate sa isang mining pit sa bayan ng Aroroy.
Sinabi ni Senior Insp. Maria Luisa Calubaquib, spokesman ng PNP Region 5 Office na naghuhukay ng mining pit ang mga biktima nang bigla na lamang silang mawalan ng malay-tao na posibleng dahil sa nalanghap nilang mga kemikal.
Ang mga namatay ay kinilalang sina Wilson Petiros, 40-anyos; Jorley Cedillo, 28-taong-gulang at Francisco Bangalisan 23-anyos.
Sinabi ng mga nakasaksi na sinubukan ng biktimang si Bangalisan na tulungang mailabas sa hukay ang kanyang mga kasamahan pero pati siya ay nahirapan na ring makagalaw sa loob ng minahan.
Sinubukan pa ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga manggagawa ng Filmenera Resource Corporation (FRC) na dalhin sa ospital ang mga biktima subalit hindi na sila umabot ng buhay.
Sinabi ng may-ari ng FRC na si Rosebelle Rabosa na tutulungan nila sa gastusin ang mga kaanak ng mga biktima.
Ang PNP Bicol naman ay nagsabi na magsasagawa sila ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng tatlong minero.
Noon pa man ay tinututulan na ng mga residente sa lugar ang ginagawang pagmimina sa kanilang lugar.
Tags: aroroy, DENR, filminera, Masbate
– See more at: http://radyo.inquirer.net/29183/29183#sthash.6XjZ0x6i.DSW9EJ8Q.dpuf
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos