2 guro, sinuspinde ng PRC dahil sa utang

Published by rudy Date posted on June 29, 2016

by Balita Online, Jun 29, 2016

Bilang tugon sa pagbabagong ipatutupad ng paparating na administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, inumpisahan na ng Professional Regulations Commission (PRC) ang pagsuspinde sa mga gurong hindi marunong magbayad ng utang, na karaniwang sinasamahan pa ng panloloko sa kanilang inutangan.

Labis ang pasasalamat ni Sheryll Abril, pangulo ng Tarlac Public School Teachers Association, Inc. (TPSTAI) na may satellite office sa Quezon City, sa PRC dahil sa pagtugon nito sa mga kaso na kanilang idinulog na umabot na sa 300 sa kabuuan, bukod pa sa 700 nakabimbin sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Abril, nasira na ang magandang imahe ng mga guro dahil hindi nila nama-manage nang tama ang kanilang pera, na sinamahan pa ng pamemeke ng mga dokumento at automated teller machine (ATM) card para lang makautang at pagkatapos ay hindi na magbabayad.

Sinabi ni Abril na kamakailan ay sinuspinde ng PRC ang dalawang guro sa Department of Education (DepEd)-Region 4A DepEd Region 4A na sina Marie Jeanne Ayson, ng Tayuman Elementary School sa Binangonan, Rizal; at Ma. Susie Colcol, ng Teresa Elementary School sa Teresa, Rizal. Bukod sa hindi nagbayad ng utang, nabatid na peke pa ang isinumiteng ATM card ng mga ito bilang collateral sa TPSTAI.

Pinatawan ng PRC ng tatlong buwang suspensiyon sina Ayson at Colcol dahil sa paglabag sa Code of Ethics for Professional Teachers.

Sa apat na pahinang desisyon ng PRC, binabawi nito ang lisensiya o Certificate of Registration at Professional Identification Cards ng mga sinuspindeng guro at binalaang huwag nang uulit pa, kung ayaw nilang maharap sa mas mabigat na parusa. (Jun Fabon)

March 2025

It’s women’s month!

“Support women every day of the year!”

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!
#WearMask #WashHands #Distancing #TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!

Monthly Observances:
Women’s Role in History Month

Weekly Observances:
Week 1: Environmental Week
Women’s Week
Week 3: Philippine Industry and Made-in-the-Philippines
Products Week
Last Week: Protection and Gender-Fair Treatment
of the Girl Child Week

Daily Observances:
March 8: Women’s Rights and
International Peace Day;
National Women’s Day
Mar 4— Employee Appreciation Day
Mar 15 — World Consumer Rights Day
Mar 18 — Global Recycling Day
Mar 21 — International Day for the Elimination of Racial Discrimination
Mar 23 — International Day for the Right to the Truth concerning Gross Human Rights Violations and for the Dignity of Victims
Mar 25 — International Day of Remembrance of the Victims of Slavery and the Transatlantic Slave Trade
Mar 27 — Earth Hour

Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories