21 nalambat sa cybersex den

Published by rudy Date posted on June 24, 2016

By Jun Borlongan, Abante, June 24, 2016

Dalawampu’t isang katao ang dinakip ng opera­tiba ng Philippine National Police-Anti Cyber Crime Group (PNP-ACCG) makaraang salakayin ang isang pinaghihinalaang cybersex den na pawang mga dayuhang customer ang kanilang binibiktima sa malalaswang website sa San Martin, Barangay Sapang Palay, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Sa report na nakalap sa Camp. Gen. Alejo S. Santos – Malolos City, arestado ang 21 katao na hindi pina­ngalanan at pawang empleyado ng Jaya Online Marketing Services Inc. na matatagpuan sa Barangay Sapang Palay, ng nasabing lungsod na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10145 o Anti cyber crime provision Act of 2012.

Kinumpiska rin ng awtoridad ang mga computers, mga CCTV camera, mga dokumento at iba pang devi­ces ng nasabing Online services na nakasaad sa search warrant na inihain ng PNP-ACCG nang kanilang sa­lakayin ang sinasabing cybersex den at tahasang lu­malabag sa RA 10145 o Anti-cybercrime provision Act.

Pasado alas-12:00 ng hating gabi nang surpresang sa­lakayin ng awtoridad ang nasabing gusali ng cybersex den at nagkaroon ng kaunting komosyon bago napasok ang opisina at mahuli ang karamihan sa mga suspek na nakikipag-chat sa kanilang banyagang target ng operas­yon.

December – Month of Overseas Filipinos

“National treatment for migrant workers!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories