By Juliet de Loza-Cudia, Abante, June 26, 2016
Pisak ang mukha at durog ang ulo ng isang 26-anyos na mekaniko matapos madaganan ng kinukumpuning bus nang kumalas ang nakakalang na ‘jack’, kahapon ng umaga sa parking area ng Dilan Liner sa may Sampaloc, Maynila.
Namatay noon din, ang biktimang si Zandro Soria, 26, stay-in mechanic sa Dilan Liner na matatagpuan sa 961 Dos Castillas corner Florentino Street, Sampaloc, Maynila.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa nabanggit na lugar.
Sa panayam kay Francisco Ferrer, 51, kasamahang mekaniko ng biktima ,kapwa sila nasa ilalim ng bus at kinukumpuni ang may singaw na air bag ng bus na may plate number BVA-405 nang mangyari ang insidente.
“Nasa may bandang gitna ako, tapos si Zandro nasa may malapit sa airbag, nagulat na lang ako nang may kumalabog, tapos naipit yong aking tagiliran, kaya mabilis akong gumapang papalabas ng bus, paglingon ko nakita ko si Zandro patay na at nadaganan ng bus yong mukha”, ayon kay Ferrer.
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos