Pinay DH hinalay sa disyerto

Published by rudy Date posted on June 24, 2016

By Noel Abuel, Abante, June 24, 2016

Pinaghahanap ng Kuwaiti police ang isang lalaki na pinaghihinalaang humalay sa isang Pinay household worker sa isang disyerto.

Sa ulat ng Al-Anba daily, humingi ng tulong at naghain ng reklamo sa Adan Police Station ang 31-anyos na Pinay DH laban sa employer nito na empleyado ng Ministry of Interior.

Sa pahayag ng biktima dinala ito ng kanyang employer sa isang kaibigan nito kung saan dito ay dinala naman ito ng huli sa isang disyerto at dito nangyari ang panghahalay.

Nang sumailalim sa interogasyon ang employer ng Pinay inamin nito na inilagay nito sa isang advertisement sa social media na nag-aalok ito ng serbisyo ng isang housemaid.

Subalit sa halip na dalhin sa bahay ay dinala ang biktima sa isang ilang na lugar malapit sa isang disyerto kung saan dito naganap ang panghahalay.

Month – Workers’ month

“Hot for workers rights!”

 

Continuing
Solidarity with CTU Myanmar,
trade unions around the world,
for democracy in Myanmar,
with the daily protests of
people in Myanmar against
the military coup and
continuing oppression.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories