Pinay sa Kuwait hinalay ng sponsor

Published by rudy Date posted on June 17, 2016

By Noel Abuel, Abante, June 17, 2016

Inaresto ng mga awtoridad ang isang Kuwait national makaraang akusahang nanghalay sa isang Filipina domestic worker sa nasabing bansa.

Sa ulat, dinakip ng security men ang hindi pinangalanang suspek sa loob ng tahanan nito at dinala sa General Department for Criminal Evidences para sampahan ng kaukulang kaso.

Sinasabing inakusa­han ng biktima ang sponsor nito na makailang ulit na hinalay sa loob ng pi­nag­lilingkuran nitong bahay sa Rumaithiya district.

Dito ay humingi ng tulong ang biktima sa Rumaithiya Police Station kasama ang tauhan ng Philippine Embassy Kuwait upang ireklamo ang sinapit nito sa kamay ng employer nito.

Sa pahayag ng nasabing Pinay, makailang ulit na hinalay ito ng sponsor sa loob ng kuwarto nito kung saan tinakot umano ito ng huli kung magsusumbong hanggang sa hindi na matiis ng una kung kaya’t nagsumbong na sa embahada.

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories