By Edwin Balasa, Abante, June 17, 2016
Nalibing ng buhay sa loob ng minamanehong trak ang isang lalaki matapos na matabunan ito ng gumuhong lupa at mabagsakan pa ng malaking punong-kahoy kamakalawa ng hapon sa bayan ng Donsol, Sorsogon.
Kinilala ang nasawing biktima na si Salvador Cadag, 40, drayber at residente ng Sitio Pinaric Barangay Ogod ng nabatid na bayan.
Sa ulat ng Donsol Municipal Police Station (MPS) na isinumite sa Police Regional Office (PRO) 5, naganap ang insidente dakong alas-tres ng hapon habang nakaparada sa gilid ng mabanging bahagi ng kalsada ang trak na minamaneho ng biktima sa kahabaan ng Barangay Ogod.
Napag-alaman na napansin ng biktima ang unti-unting pagguho ng lupa sa pinaparadahan nito kaya agad siyang sumakay ng kanyang trak upang umalis sana sa lugar subalit hindi na niya nagawang paandarin pa ang sasakyan dahil natabunan na ito ng lupa at nadaganan ng malaking punong-kahoy.
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos