Amo nagpapa-massage ng hubo’t hubad

Published by rudy Date posted on July 18, 2016

OFW nagpapasaklolo

By Armida D. Rico, Abante, July 18, 2016

Labis ang pag-aalala ngayon ng pamilya ng isang overseas Filipino worker (OFW) matapos makatanggap ng mensahe mula sa kanilang kapatid na humihingi ng tulong upang matakasan ang manyak na kanyang amo sa Doha Qatar.

Nakatakdang dumulog sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs at Overseas Welfare Wor­kers Administration (DFA-OWWA) si Joan, nasa hustong gulang upang humingi ng tulong hinggil sa kalagayan ng kanyang kapatid na si Jonalyn, 23, dalaga, isang domestic helper sa Doha Qatar at naninirahan sa Poblacion Tampakan South Cotabato.

Ayon kay Joan, noong Mayo 25 nang taong kasalukuyan pa lamang nag-abroad ang kanyang kapatid na halos magdadalawang buwan pa lamang.

Hinimok umano ng Cinderella Manpower Service Agency na nakabase sa Malate Manila na makapag-trabaho si Jonalyn.

Pagdating naman niya sa nasabing bansa ay sinalubong naman ito ng Golden Man Manpower Services sa Qatar upang dalhin ito sa kanyang employer.

Subalit hindi pa umano nakaka-dalawang buwan sa kanyang trababo ay ginawan na umano ito ng kalaswaan ng kanyang among lalaki kung saan pinapamasahe siyang habang hubo’t hubad ito at pinapakita pa ang ari ng kanyang amo.

Kuwento pa ni Joan, sinabi pa sa kanya ng kanyang kapatid na minsan siyang hinila ng kanyang amo sa isang lugar sa kanilang bahay at pinaghahalikan ito.

Dito na aniya kinabahan ang ofw na baka mas lalo pang lumalala ang gagawin sa kanya ng kanyang amo kaya’t natatakot na ito.

Dahil dito labis na nag-alala at natatakot na ang pamilya ng ofw na baka sa susunod na araw ay hindi na maganda ang mangyayari dito.

Sinabi pa ni Joan, hindi makapagsumbong ang kanyang kapatid sa asawa ng kanyang amo dahil sa palaging mainit ang ulo at baka lumabas pang siya ang masama.

Aniya, simula nang magkausap sila noong nakaraang linggo ng kanyang kapatid ay naging limitado ang kanilang pag-uusap.

Sinabi pa ni Joan nang huli silang mag-usap ng kanyang kapatid ay umiiyak ito na humihingi ng tulong na makauwi ng Pilipinas dahil sa pangamba nitong magahasa ito ng kanyang amo.

Kaya’t nanawagan si Joan sa kinauukulan sa Embahada ng Pilipinas sa Qatar, DFA at sa OWWA na tulungan silang masagip ang kanyang kapatid mula sa employer nito.

January 24 –
International Day of Education

“Lifelong learning for everyone!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories