OFW na nahulog sa building naiuwi na ang bangkay

Published by rudy Date posted on July 26, 2016

By Armida Rico, Abante, July 26, 2016

Isang araw bago ang kaarawan, dumating na sa bansa ang labi ng isang overseas Filipino worker (OFW) na namatay matapos mahulog mula sa ika-15 palapag sa tinitirahan nitong gusali sa Malaysia.

Bandang ala-una ng hapon noong Hulyo 24 nang dumating ang bangkay ng OFW na si Nikki Torrefranca, 27, sa Kalibo International Airport.

Emosyonal naman ang pagsalubong ng pamilya Torrefranca mula sa Barangay Polo New Washington, Aklan sa labi ng OFW na kung saan nakasilid sa isang kahon nang lumapag ang eroplano na pinagsakyan dito sa nasabing paliparan.

Nagpapasalamat naman si Renato Torrefranca, ama ni Nikki sa embahada ng Pilipinas sa Malaysia at sa tanggapan ng Overseas Welfare Workers Administration (OWWA) na naging mabilis ang pagpauwi sa labi ng kanyang anak ito’y matapos sa kanilang hilingin na bago sumapit ang Hulyo 25 ay makapiling nila ang kanilang anak dahil sa kaarawan nito.

Magugunitang noong Hulyo 20 dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang mataranta at tumakas umano si Nikki mula sa mga Malaysian authorities na nagsasagawa ng raid laban sa mga undocumented worker na kung saan umakyat sa ika-15 palapag at bumagsak ito sa ika-10 palapag na agad itong namatay dahil sa internal injuries.

Sinasabing guma­gamit lamang ang OFW ng tourist visa at nagtatrabaho sa isang restaurant sa Kuala Lumpur, Malaysia ng halos isang taon.

January 24 –
International Day of Education

“Lifelong learning for everyone!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories