Magulang patay sa binasted na manliligaw

Published by rudy Date posted on August 17, 2016

By Ronilo Dagos, Abante, August 17, 2016

Tatlo ang namatay matapos mabigo sa nililigawang dalaga sa security guard na kanyang manliligaw sa Brgy. Poblacion 2, Nagcarlan, Laguna noong Linggo ng hapon.

Batay sa report ng Narcarlan police, dahil sa pagkadesperado matapos mabasted ang suspek na si Richard Monfero, security guard ng Muni­cipal Circuit Trial Court, pinuntahan nito ang taha­nan ng dalaga kungsaan nadatnan nito ang mga magulang ng nililigawan na sina Felciano at Lorna Doria at pinagbabaril gamit ang kanyang service fire arm.

Agad nasawi ang da­lawang biktima samantalang nasugatan naman ang dalaga dahil sa tama ng ligaw na bala.

Mabilis namang nakaresponde ang nagpapatrolyang dalawang pulis at nakorner ang suspek.

Sa kabila ng pakiusap na sumuko ito, pinaputukan pa nito ang pulis na si SPO1 Fermin Faulve na gumanti ng putok kung saan pinuntirya nito ang paa para ‘di makatakbo ang suspek.

Subalit bago pa nakalapit ang dalawang pulis, itinutok ng suspek ang kanyang baril sa kanyang baba at pinaputok.

Naisugod pa ito sa ospital subalit ideneklara na itong dead on arrival ng doktor.

April – Month of Planet Earth

“Full speed to renewables!”

 

Continuing
Solidarity with CTU Myanmar,
trade unions around the world,
for democracy in Myanmar,
with the daily protests of
people in Myanmar against
the military coup and
continuing oppression.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories