Mister timbog sa pagpatay sa misis

Published by rudy Date posted on August 19, 2016

By Betchai Julian, Abante, August 19, 2016

Isang 52-anyos na ­lalaki ang dinakip matapos patayin sa bugbog at pananaga ang kanyang overseas Filipino ­workers (OFW) na misis sa Aparri, Cagayan.

Sa ulat ni Chief Insp. Pepito Mendoza, nakapiit na ngayon sa detention cell ng Aparri Police ang suspek na si Demy Taloza, 52, matapos itong sumuko.

Napag-alaman na dumating mula sa pagtatrabaho sa isang bansa ang biktimang misis na si Marites, 42, at sinundo pa ito noong Agosto 13.

Umuwi ang biktima dahil nais nitong makita ang anak na noon ay naka confine sa ospital dahil sa sakit, pero makalipas ang ilang araw ay nagtalo ang mister at misis dahil tumatanggi umano ang misis na sumi­ping sa mister at nag-aaya itong makipaghiwalay, na ikinagalit ng suspek.

Dito na nagwala ang suspek, binugbog at pinalo ng kahoy ang misis at hindi pa nakuntento ay pinagtataga pa ang biktima dahilan ng kamatayan.

Sa ngayon ay iniha­handa na ang kasong parri­cide laban sa ­suspek.

January 24 –
International Day of Education

“Lifelong learning for everyone!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories