Nakatakas sa malupit na amo (Part 1)

Published by rudy Date posted on August 5, 2016

By Armida Rico, Abante, August 5, 2016

Tuwing sasapit ang liwanag, sampal, tadyak at sabunot ang almusal na natitikman ng isang overseas Filipino worker (OFW) mula sa kanyang employer na Egyptian sa Kuwait.

Mangiyak-ngiyak na ikinuwento ni Mary Rose Gomez (hindi tunay na pangalan), 47-anyos, matandang dalaga, isang domestic helper (DH) sa Kuwait at tubong Biñan, Laguna ang naging karanasan nito matapos siyang mmangibang bansa upang magtrabaho.

Kuwento ni Gomez, limang buwan siyang naglingkod sa kanyang employer na nakilalang si Rocaya Causi, isang Egyptian naninirahan sa Cansa Salmia Kuwait, na kung saan nasa 110kd ang kanyang suweldo (P16,500) simula noong Nobyembre 24, 2015 hanggang Abril 2016.

Sa loob ng limang buwan paglilingkod nito bilang kasambahay lagi siyang pinag-iinitan ng kanyang amo na kahit wala itong ginagawang pagkakamali sa kanyang trabaho.

“Paggising ko pa lamang po sa umaga para magtrabaho ay nagagalit na siya sa akin kahit wala akong maling ginagawa sa trabaho, paglapit sa’kin bigla na lang akong sabunutan at sampalin. Nagugulat na lamang ako, pag pumalag naman ako sa kanya lalo niya akong sinasaktan. Kayat kahit na masakit na ang katawan ko sa pananakit niya ay tinutuloy ko pa rin ang trabaho ko,” maluha-luhang pahayag nito.

Mas lalo pang lumala ang sitwasyon nang ito ay hindi na niya natatanggap ang kanyang suweldo sa loob ng dalawang buwan dahil sinabi sa kanya ng amo na siya na lamang ang magpapadala ng pera sa kanyang pamil­ya. (ITUTULOY)

January 24 –
International Day of Education

“Lifelong learning for everyone!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories