OFW na nahulog sa gusali, nailibing na

Published by rudy Date posted on August 9, 2016

By Armida Rico, Abante, August 9, 2016

Inihatid na sa huling hantungan ang Pinay na overseas Filipino worker (OFW) na nahulog mula sa ika-15 palapag ng tinitirhang gusali sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon.

Dakong alas-10 ng umaga nang maihatid sa huling hatungan ang labi ni Nikki Torrefranca, 27, ng Brgy. Polo, New Washington Aklan.

Naging emosyonal naman ang pamilya ni Nikki nang magbigay ng kani-kanilang papuri at pasasa­lamat sa isinagawang misa sa Shrine of Our Lady of the Most Holy Rosary sa bayan ng New Washington sa Kalibo Aklan.

Lalo pang bumuhos ang luha nang kumanta ang kanyang amang si Renato Torrefranca.

Nakipaglibing din ang mga kaibigan ni Nikki lalo na ang kanyang mga kasamahan sa Alpha Phi Omega fraternity kung saan karamihan sa mga nakisimpatiya ay nagpakita ng kanilang pagmamahal sa pamamagitan nang pagsuot ng puting t-shirt na may print ng kanyang mukha.

Nauna rito, naganap ang insidente noong Hulyo 19, nang taong kasalukuyan dakong alas-2:30 ng madaling-araw matapos tumakas umano ang OFW mula sa mga Malaysian authorities na nagsagawa ng raid laban sa mga undocumented workers na kung saan sinasabing nagtago ito sa likod ng bintana at nadulas mula sa ika-15 palapag at bumagsak ito sa ika-10 palapag.

Nagawa pang isugod sa isang pagamutan si Nikki subalit wala na itong buhay sanhi ng tinamong internal injuries.

Halos isang taong nagtrabaho si Nikki sa isang restaurant sa Malaysia.

Agad naman naiuwi ang labi ni Nikki sa Pilipinas matapos humingi ng tulong ang kanyang amang si Renato sa tanggapan ng Overseas Welfare Workers Administration (OWWA).

Hiniling ni Mang Renato sa OWWA na bago sumapit ang kaarawan ng kanyang anak noong Hulyo 25 ay maiuwi at makapiling nila si Nikki.

Hulyo 21 dumating ang labi ni Nikki sa Aklan Airport ilang araw bago ang kanyang kaarawan.

December – Month of Overseas Filipinos

“National treatment for migrant workers!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories