Pinay nahulog sa gusali

Published by rudy Date posted on August 11, 2016

By Noel Abuel, Abante, August 11, 2016

Patay ang isang Pinay domestic helper makaraang aksidenteng mahulog sa bintana ng isang residential apartment sa bansang Hong Kong.

Sa ulat ng Apple Daily, kinilala ang nasawing overseas Filipino wor­ker (OFW) sa pangalang Dulluog, 35-anyos, na idineklarang dead on the spot sa lugar ng aksidente.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-8:47 ng umaga nang maiulat ang insidente sa residential apartment sa Lohas Park Phase 3 sa Tseung Kwan O.

Sinasabing nakitang buhay ang biktima habang abala sa paglilinis ng salamin ng bintana at makalipas ang ilang minuto ay nakita na lamang itong naliligo sa sariling dugo nang bumulusok pababa.

Hinihinalang nadulas ang biktima kung kaya’t aksidente itong nahulog.

Month – Workers’ month

“Hot for workers rights!”

 

Continuing
Solidarity with CTU Myanmar,
trade unions around the world,
for democracy in Myanmar,
with the daily protests of
people in Myanmar against
the military coup and
continuing oppression.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories