By Jojo Perez, Abante, September 18, 2016
Umaalma ang libu-libong manggagawa ng Hanjin Shipping Builders sa Subic Zambales dahil sa peligrong hatid ng kanilang mga transportasyon patungo sa pinapasukang kumpanya dahil bukod umano sa kapos ang kanilang mga bus na sinasakyan ay nagdudulot ito ng sunud-sunod na aksidente.
Matatandaang noong Martes, tatlong katao ang nasawi sa banggaan ng dalawang bus na Angelica at Zamodca na parehong driver na sina Roque Gallardo at Ramil Valmocina at pasaherong si Eugene Bacay dahil umano sa pagmamadali na makabalik ng Angelica bus sa terminal ng Hanjin upang makapaghatid ng pasahero na papasok subalit nauwi sa malagim na aksidente nang salpukin ang Zamodca bus kung saan 43 katao ang nasugatan.
Ayon sa ilang empleyado na nakapanayam ng Abante, aabot sa 40,000 empleyado ng Hanjin ang pumapasok araw-araw subalit kulang na kulang umano ang kanilang company service kaya nauuwi sa tulakan at balyahan dahil sa pag uunahang makasakay.
“Pakiramdam namin mamamatay na kami kasi ang bilis ng pagpapatakbo para ihatid kami sa shipyard tapos babalik na agad sa terminal ‘yung bus para mag-pick-up ulit ng mga empleyado, araw-araw ganu’n ang eksena sa terminal” ayon pa sa isang taga-Hanjin na tumangging magpakilala.
Mistula umano silang nakasakay sa ‘flying coffin’ o ataul dahil hindi na umano iniintindi ng kanilang mga driver ang kaligtasan ng mga empleyado dahil sa ‘pakyawan’ at ‘per biyahe’ na sistema ng kanilang transport service.
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos