Transport system ng Hanjin, inalmahan

Published by rudy Date posted on September 18, 2016

By Jojo Perez, Abante, September 18, 2016

Umaalma ang libu-libong manggagawa ng Hanjin Shipping Builders sa Subic Zambales dahil sa peligrong hatid ng kanilang mga transportasyon patu­ngo sa pinapasukang kumpanya dahil bukod umano sa kapos ang kanilang mga bus na sinasakyan ay nagdudulot ito ng sunud-sunod na aksidente.

Matatandaang noong Martes, tatlong katao ang nasawi sa banggaan ng dalawang bus na Angelica at Zamodca na parehong driver na sina Roque Gallardo at Ramil Valmocina at pasaherong si Eugene Bacay dahil umano sa pagmamadali na makabalik ng Angelica bus sa terminal ng Hanjin upang makapaghatid ng pasahero na papasok subalit nauwi sa malagim na aksidente nang salpukin ang Zamodca bus kung saan 43 katao ang nasugatan.

Ayon sa ilang emple­yado na nakapanayam ng Abante, aabot sa 40,000 empleyado ng Hanjin ang pumapasok araw-araw subalit kulang na kulang umano ang kanilang company service kaya nauuwi sa tulakan at balyahan dahil sa pag uunahang makasakay.

“Pakiramdam namin mamamatay na kami kasi ang bilis ng pagpapatakbo para ihatid kami sa shipyard tapos babalik na agad sa terminal ‘yung bus para mag-pick-up ulit ng mga empleyado, araw-araw ganu’n ang eksena sa terminal” ayon pa sa isang taga-Hanjin na tumangging magpakilala.

Mistula umano silang nakasakay sa ‘flying coffin’­ o ataul dahil hindi na umano iniintindi ng kanilang mga driver ang kaligtasan ng mga empleyado dahil sa ‘pak­yawan’ at ‘per biyahe’ na sistema ng kanilang transport service.

Month – Workers’ month

“Hot for workers rights!”

 

Continuing
Solidarity with CTU Myanmar,
trade unions around the world,
for democracy in Myanmar,
with the daily protests of
people in Myanmar against
the military coup and
continuing oppression.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories