Sekyu nahulog sa 8-palapag na gusali, tigbak

Published by rudy Date posted on October 17, 2016

by http://www.remate.ph/2016/06/sekyu-nahulog-sa-8-palapag-na-gusali-tigbak/

PATAY ang isang 20-anyos na security guard na hinihinalang nahulog at bumagsak mula sa ikawalong palapag ng isang ginagawang gusali matapos nitong buksan ang isang sirang elevator sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Roland Suson, binata, stay-in security guard at tubong Diamanen, Dimcalao, Aurora.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), dakong 2:00 ng hapon nang nadiskubreng patay ang biktima sa flooring sa unang palapag ng isang elevator sa isang commercial/residentail building sa 1275 Dagupan St., Tondo.

Ayon kay Henry Gertos, 44, kasamahang guwardiya ng biktima, bago naganap ang insidente ay sinabihan niya si Suson na mag-inspeksyon sa kanyang area of responsibility at kabilang dito ang mga elevator.

Ayon pa kay Gertos, sa pamamagitan ng susi, binuksan umano ng biktima ang pintuan ng elevator sa 8th floor.

Makalipas ang mahigit limang oras, nagtaka na si Gertos kung bakit hindi pa bumabalik ang biktima kaya tinawagan nito sa handheld radio subalit hindi ito sumasagot dahilan upang hanapin niya ito kung saan natagpuan nito ang wala nang buhay na biktima sa flooring ng elevator sa unang palapag.

Napansin nitong natanggal ang kaliwang sapatos nito at nagkalat din ang gamit nito tulad ng susi at handheld radio.

Inaalam pa ng pulisya ang posibilidad na pagkakadulas ng biktima pagkabukas ng pinto ng elevator at pagkahulog sa unang palapag.

Nabatid na ang ginagawang gusali ay may 21-palapag. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

April 2025

World Day for Safety and Health at Work
“Safety and health at work every day!”

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!
#WearMask #WashHands #Distancing #TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors. Time to spark a global conversation. Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!

Monthly Observances:

March – Women’s Role in History Month
April – Month of Planet Earth

Weekly Observances:
Last Week of March: Protection and Gender Fair Treatment of the Girl Child Week
Last Week of April – World Immunization Week

Daily Observances:
Mar 25 – International Day of Remembrance of the Victims of Slavery and the Transallantic Slave Trade
Mar 27– Earth Hour
Apr 21 – Civil Service Day
Apr 22 – World Earth Day
Apr 28 – World Day for Safety and Health at Work

Trade Union Solidarity Campaigns

No to Trafficking

Jobs! Jobs! Jobs!

Categories