2 welder nabagsakan ng steel plate

Published by rudy Date posted on November 10, 2016

By Rossel Calderon, Abante, November 10, 2016

Aksidenteng nabagsakan ng ginagawa nilang steel plate ang dalawang welder kamakalawa dakong alas-nuwebe ng umaga sa Batangas City.

Sa nakalap na ulat mula Batangas City Component Police Station, nabatid na pinuputol ng mga biktimang sina Ismael Noche y Driz, 30-anyos at Arwin Alzate y Juego, 36-anyos, mga empleyado ng Presam Construction and General Servi­ces sa Brgy. San Isidro, Batangas City, ang steel plate(9×13 metersx19mm) ng Shell Gas Eastern Incorporated sa Barangay Libojo, nang mahulog ito sa kanila.

Mabilis na isinugod sa Jesus of Nazareth Hospital ang mga biktima, ngunit dahil sa matinding pinsalang tinamo sa ulo ay deklaradong dead-on-arrival si Noche, samantalang napinsala naman ang mag­kabilang binti ni Alzate.

Kasalukuyan ng nakalagak sa San Fernando Funeral Homes ang bangkay ni Noche habang nananatili pa rin sa ospital ang isa pang biktima.

December – Month of Overseas Filipinos

“National treatment for migrant workers!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories