Gulong sumambulat, mekaniko nasawi

Published by rudy Date posted on November 16, 2016

By Jun Borlongan, Abante, November 16, 2016

Nasawi ang isang mekaniko makaraang aksidenteng tumama sa kanyang mukha ang rim ng kanyang kinukumpuning gulong na biglang sumabog sa kanyang talyer sa Brgy. Saluysoy, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Florentino Magcalayo, 44-anyos, may-asawa, meka­niko ng Brgy. Saluysoy, Meycauayan City na namatay habang pilit isinasalba ng mga manggagamot ng Nazarenus Hospital-Meycauayan matapos mapuruhan ng sugat sa ulo bunga ng impact ng tumalsik na rim.

Pasado alas-siete ng gabi nang maganap ang insidente habang kinukumpuni ng biktimang meka­niko ang gulong ng isang bus sa kanyang talyer sa Barangay Saluysoy, ng nasabing lungsod ngunit bigla na lamang itong sumabog at aksidenteng tumama ang rim ng pampasaherong bus sa mukha ng biktima.

Sugatang isinugod ang biktima sa hospital ngunit namatay din ito matapos mapuruhan ang mukha.

December – Month of Overseas Filipinos

“National treatment for migrant workers!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories