Bading, pinatay ng live-in partner

Published by rudy Date posted on December 23, 2016

By Al Jacinto, Abante, Dec 23, 2016

ZAMBOANGA CITY — Isang lalaki ang dinakip ng pulisya matapos na diumano’y mapatay ang baklang ­live-in partner nito sa Davao City.

Nakilala ang suspek na si Christopher Domi­nayos, 30, at ang biktimang call center agent na si Jasper Oribia, 25. Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo kamaka­lawa ng gabi ang dala­wa sa loob mismo ng kanilang inuupahang kuwarto sa isang boarding house sa New Matina.

Nagulat na lamang ang mga nasa boarding house nang makarinig ng kaguluhan sa kuwarto ng da­lawa at makitang dugaan si Jasper. Doon nabatid na sinaksak umano ni Christopher ang bading. Isinugod pa ng mga tagaroon si Jasper sa pagamutan ngunit dead on arrival na ito.

Agad ring nahuli si Christopher at ngayon ay nahaharap sa kasong kriminal. Hindi ­nagbigay ng pahayag ang suspek, ngunit posibleng selos ang ugat ng pag-aaway ng dalawa.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya ay ­kinompronta ni Christopher ang live-in partner nito sa kanyang pag-uwi.

April – Month of Planet Earth

“Full speed to renewables!”

 

Continuing
Solidarity with CTU Myanmar,
trade unions around the world,
for democracy in Myanmar,
with the daily protests of
people in Myanmar against
the military coup and
continuing oppression.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories