Nanaksak ng misis, patay nang manlaban sa police

Published by rudy Date posted on January 9, 2017

Posted by: Tempo Online, January 9, 2017

Isang lalaki na umano’y lango sa droga ang nabaril at napatay ng mga pulis matapos niyang pagsasaksakin ang kaniyang live-in partner sa Las Piñas City noong Sabado ng hapon.

Ayon kay Supt. Jenny Tecson, Southern Police District spokesperson, nakilala lamang sa pangalang Ricky ang nasawi. Nagtamo siya ng mga tama ng bala sa katawan at patay na nang dalhin sa ospital.

Kasalukuyan naman naka-confine sa ospital ang live-in partner ni Ricky na si Rose Ann Dismari dahil sa mga tinamong sugat sa katawan dulot ng pananaksak ng suspek.
Ads by Kiosked
Base sa imbestigasyon ng Las Piñas Police, nagpa-patrol ang mga miyembro ng Police Community Precinct 7 sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road sa Almanza 1 dakong 4:30 p.m. nang mamataan nila ang suspek at biktima na nag-aaway sa kalye.

Kalaunan, biglang sinaksak ni Ricky ang kaniyang partner gamit ang isang balisong.

Kaagad na rumesponde ang mga pulis at inawat si Ricky.

Sa halip na sumuko, inatake rin ni Ricky ang mga pulis kung kaya’t napilitan silang barilin siya. (Jean Fernando)

Read more at http://tempo.com.ph/2017/01/09/nanaksak-ng-misis-patay-nang-manlaban-sa-police/#ckIWAz8WtVrUWTji.99

April – Month of Planet Earth

“Full speed to renewables!”

 

Continuing
Solidarity with CTU Myanmar,
trade unions around the world,
for democracy in Myanmar,
with the daily protests of
people in Myanmar against
the military coup and
continuing oppression.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories