By Ronilo Dagos, Abante, Feb 12, 2017
Patay ang isang lineman makaraang ito’y makuryente habang nag-aayos ng sirang kable ng National Grid Corporation (NGC) sa Calauag, Quezon kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Angelberto Sipocot Vega Jr., 38-anyos at empleyado ng Emperor Supply and Energy Construction Corp.
Batay sa imbestigasyon ng Calauag Police, bandang alas-6:30 ng gabi, nasa itaas ng NGC tower 65 sa Barangay Mambaling ang biktima at inaayos ang isang sirang linya ng kuryente nang biglang magkaroon ng biglaang malakas na pagdaloy ng kuryente.
Ang biktima na noon ay nakaupo sa roller ay biglaang nakuryente na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos