1 patay, 1 sugatan sa tumagilid na truck ng beer

Published by rudy Date posted on December 28, 2017

by Rodirey Salas, ABS-CBN News, Dec 28, 2017

Dead on the spot ang hindi pa nakikilalang driver at sugatan naman ang kanyang pahinante nang madisgrasya ang sinasakyan nilang 10-wheeler cargo truck, Huwebes ng madaling araw sa Davao City.

Nakilala ang sugatang pahinante na si Lemuel Cadungog, tubong Bukidnon. Kapwa naipit sila sa tumagilid na truck pasado ala-1 ng madaling araw sa Purok 9 Lawis sa Barangay Gumalang, Baguio District.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng mabilis ang pagpapatakbo ng driver sa truck sa pakurbada at pababang bahagi ng Davao-Bukidnon Highway at nawalan ng kontrol sa manibela kaya tumagilid ito.

Dahil sa pangyayari, nagkalat sa highway ang mga basag na bote, mga bote at kaha ng beer na karga ng truck.

Accident-prone umano ang nasabing lugar dahil sa matarik na pababang direksiyon at pakurbadang kalsada at madilim pa lalo na’t walang masyadong mga ilaw sa gilid ng daan.

Sa rekord ng pulisya, nasa tatlong malalaking truck na ang nadisgrasya sa lugar.

April 2025

World Day for Safety and Health at Work
“Safety and health at work every day!”

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!
#WearMask #WashHands #Distancing #TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors. Time to spark a global conversation. Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!

Monthly Observances:

March – Women’s Role in History Month
April – Month of Planet Earth

Weekly Observances:
Last Week of March: Protection and Gender Fair Treatment of the Girl Child Week
Last Week of April – World Immunization Week

Daily Observances:
Mar 25 – International Day of Remembrance of the Victims of Slavery and the Transallantic Slave Trade
Mar 27– Earth Hour
Apr 21 – Civil Service Day
Apr 22 – World Earth Day
Apr 28 – World Day for Safety and Health at Work

Categories