Tubero nalunod sa water tank sa Makati

Published by rudy Date posted on December 28, 2017

by ABS-CBN News, Dec 28 2017

(UPDATED) Patay ang isang tubero matupos malunod sa isang underground water tank sa isang commercial building sa Makati City.

Kinilala ang biktima na si Rolando Ferrer, na magkukumpuni lang sana ng sirang float valve.

Lyza Aquino @LyzaAquinoDZMM

Tubero na magkukumpuni lang sana ng floating valve ng isang water tank, patay matapos malunod sa loob mismo ng tanke sa Makati City;

Lumusong pa ang mga rescuer ng Makati sa underground water tank ng isang commercial building sa Brgy. Pio Del Pilar nitong Huwebes.

Pilit nilang iniaahon ang tuberong si Rolando Ferrer mula sa tangkeng aabot sa 15 talampakan ang lalim.

Kuwento ng kasamahang tubero ni Ferrer na si Richard Perez,
tinutulungan nila noon ang isa pang tubero para kumpunihin ang nasirang parte ng water tank.

Nakahawak si Ferrer sa lubid sa bukana ng tangke nang mabitawan niya ito at mahulog siya sa tubig.

Sinubukang i-drain ang tubig sa tangke para mapadali ang paghahanap ng mga rescuer.

Nang nasa limang talampakan na lang ang lalim ng tubig, nakita ng rescuer ang paa ni Ferrer kaya tinalian ito ng lubid para siya’y maiangat.

Pero di na naisalba ang biktima.

Mahigit isang oras ang itinagal bago narekober ang bangkay ng biktima.

Sabi ni Perez, hindi na hinintay ni Ferrer na matanggal ang tubig bago ayusin ang valve ng tangke.

Dahil naman sa insidente, posibleng hindi na magagamit ng gusali ang tangke para sa tubig nito.

— Ulat nina Lyza Aquino at Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Sept 5 – Oct 5
National Teachers Month

“Pay teachers decent wages,
Pay attention to teachers!”

Invoke Article 33 of the ILO Constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of
Forced Labour and Freedom of Association protocols.

Accept National Unity Government (NUG)
of Myanmar.  Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Report Corruption #SearchPosts #TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors. Time to spark a global conversation. Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!

September


Monthly Observances:

Health, Safety, and Sanitation Month
Clean-up Month
Civil Service Month

National Peace Consciousness Month

Social Security Month

Rule of Law Month

National Teachers’ Month (Sept 5-Oct 5)

 

Weekly Observances:

Sept 17 – 23:

World Clean and Green Week

Week 2: Education Week

Week 4: Medicine Week

Last Week: Family Week


Daily Observances:

Third Saturday: International Coastal Clean-up Day

Third Monday: World Health Day

Last Friday: National Maritime Day

Sept 8: National Literacy Day

Sept 15: Philippine Medicine Day

Categories

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.