40,000 TNVS drivers, mawawalan ng trabaho sa planong ‘tapyas’ ng LTFRB

Published by rudy Date posted on January 19, 2018

by ABS-CBN New, Jan 19, 2018

Nanganganib na mawalan ng kita ang humigit kumulang 40,000 transport network vehicle service (TNVS) drivers sa oras na maipatupad sa Pebrero 2 ang supply cap na iniutos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa isang memorandum circular na inilabas Huwebes ng gabi, lilimitahan na lang sa 45,000 units ang Grab at Uber na bibiyahe sa Metro Manila.

Pinangangambahan tuloy ang kakulangan ng mga unit at posibleng tumaas ang babayarang pamasahe dahil dito.

Napasugod tuloy ang kinatawan ng Grab sa LTFRB para maliwanagan sa naturang memo.

Ayon kasi kay Leo Gonzales, tagapagsalita at public affairs head ng Grab, tatamaan ang mahigit 20,000 drivers nila na karamihan ay part-timers.

Sa ngayon ay nasa 60,000-65,000 umano ang kanilang mga driver at 23,000 ang active o pumapasada araw-araw.

Kung 45,000 lang ang papayagan ng LTFRB, kahati pa roon ang Uber na sa ngayon ay mayroong mahigit 60,000 na driver.

“You have to consider days off, you have to consider not everyone goes online everyday kasi most are part-time so that number will diminish, so talagang liliit ang supply,” ani Gonzales.

Hindi pa makapagkomento ang Uber sa ngayon pero ayon sa communications head nito, hihingi rin sila ng meeting sa LTFRB para maliwanagan at mabigyan ng guidelines.

Bukod sa posibleng paghaba ng surge period na magreresulta sa dobleng pamasahe, marami pang epekto umano ang memo ng LTFRB.

“Yung impact sa pamumuhay ng mga drivers. These guys want to do good business. They trained for it, they invested in it and all they want is to earn a decent living,” ani Gonzales.

Ang mga may valid certificate of public conveyance (CPC) ang prayoridad na makapasok sa 45,000 base supply na itinatakda ng LTFRB.

Dadaan din ang mga ito sa training at screening ng dalawang kompanya bago tuluyang ma-absorb.

Sa Grab, nasa 5,000-6,000 lang ang may CPC.

–Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories