3 dalagita nasagip mula sa ‘bugaw’

Published by rudy Date posted on February 14, 2018

by ABS-CBN News, Feb 14, 2018

LUCENA, Quezon – Nailigtas ng mga awtoridad ang 3 menor de edad na ibinubugaw umano ng isang babae sa mga lalaking parokyano sa isang hotel sa bayan na ito, Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, nagsumbong sa kanila ang guardian ng isa sa mga biktima ukol sa pambubugaw rito ng suspek gamit ang cellphone.

Naaresto ng mga awtoridad ang 18-anyos na suspek na si Myrjane Lavarnez Cayasa sa entrapment operation sa 101 Hotel, Barangay Bocohan.

Inilagay naman sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang mga biktima, kung saan 2 ang edad 16 at isa ang 17-anyos.

Isa sa mga biktima ay hindi nag-aaral habang ang 2 pa ay nasa Grade 9 at 10.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.

Ulat ni Ronilo Dagos, ABS-CBN News

December – Month of Overseas Filipinos

“National treatment for migrant workers!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories