2 sugatan sa delivery truck na nahulog sa palayan sa Sariaya, Quezon

Published by rudy Date posted on March 28, 2018

By PEEWEE BACUÑO, BAP, GMA News, Mar 28, 2018

Sugatan ang driver at ang pahinante ng isang truck matapos itong bumangga sa isang water tank at mahulog sa palayan sa Eco-Tourism Road, Barangay Guis-Guis, Sariaya, Quezon Miyerkules ng hapon.

Ayon sa PNP Sariaya, galing sa Candelaria, Quezon ang truck at patungo sana sa Lucena City nang sumabog ang isang gulong nito sa unahan.

Dahil sa matulin ang takbo ay nagpa gewang gewang ang truck at sumalpok sa isang water tank sa gilid ng highway at bumulusok sa palayan.

Mabilis naman na rumesponde ang MDRRMO Sariaya at na-rescue ang 2 sugatan na isinugod sa pagamutan.

Maswerte namang hindi sumabog ang mga kargang oxygen gas cylinder na nagkalat sa gilid ng highway.

Sa loob lamang ng isang linggo ay 5 vehicular accident na ang naitala sa bayan ng Sariaya, Quezon. —

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories