By: Alvin Barcelona, Inquirer, Apr 10, 2018
Nakilala na ang isa sa dalawang nasawi sa bumigay na crane sa bahagi ng Edsa sa Pasay City kaninang pasado ala-una ng tanghali.
Kabilang sa nasawi ang crane operator ng Monocrete Construction na si Jonathan Diserdo, 32-anyos at ang hindi pa nakikilalang janitor.
Base sa inisyal na imbestigasyon, bumigay ang crane sa itinatayong sa STI Academic Center sa kanto ng P.Celle Street sa Edsa extension nang kapusin ang pressure ng hydraulic cylinder nito.
Dahil dito, bumagsak ang crane sa katabing Core Town Building na isang residential establishment na may restaurant sa ibabang bahagi.
Kabilang naman sa mga nasaktan ang mga security guards na sina Kumbo Mabnay Dimalanes at Jay Balon Duran, Liu Shen Xiu, Francisco Angcatan y Angcom, Melvin Yosores y Reforme at Elmer Sedol y Torres.
Ginagamot na ang nasabing mga sugatang biktima sa San Juan de Dios Hospital.
Dalawang van at isang kotse din ang napinsala sa insidente.
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos