Biktima ng human trafficking: 13 batang Japanese, nasagip

Published by rudy Date posted on May 8, 2018

by Madonna Timbal-Senajon, ABS-CBN News, May 08 2018

Kulungan ang bagsak ng mag-amang suspek na nahaharap sa kasong human trafficking at child abuse matapos na gawing trabahador at abusuhin ang 13 batang Japanese nationals na pinangakuang pagaaralin ng English at karate. Photo courtesy of IGACOS Police

IGACOS, Davao del Norte – Nasagip ng awtoridad ang 13 batang Japanese nationals na biktima umano ng human trafficking ng mismong kababayan, Biyernes ng nakaraang linggo.

Sa imbestigasyon ng IGACOS (Island Garden City of Samal) Police, dinala sa Davao City noong nakaraang taon ang mga biktima para mag-aral ng English at karate base sa ipinangako ng mag-amang suspek na sina Hajime Kawauchi, 61, at Yuya Kawauchi, 35.

Oktubre 2017 naman nang lumipat sila sa IGACOS.

Pero imbes na mag-aral, ginawa silang mga trabahador at inaabuso din. Wala rin silang naipakitang special study permit mula sa Bureau of Immigration.

P100,000 ang ibinabayad ng mga magulang ng mga biktima buwan-buwan para sa kanilang pag-aaral.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ang mga biktima.

Ikinuwento ng DSWD ang hindi magandang karanasan ng mga biktima sa kamay ng mag-amang Hapones.

Dahil hindi marunong magsalita ng Ingles, hindi na nagbigay ng pahayag ang mag-amang suspek.

Kinasuhan na ng IGACOS Police ang mag-amang suspek ng paglabag sa Republic Act 10364 o Anti Trafficking in Persons Act of 2012 at RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination.

April 2025

World Day for Safety and Health at Work
“Safety and health at work every day!”

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!
#WearMask #WashHands #Distancing #TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors. Time to spark a global conversation. Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!

Monthly Observances:

March – Women’s Role in History Month
April – Month of Planet Earth

Weekly Observances:
Last Week of March: Protection and Gender Fair Treatment of the Girl Child Week
Last Week of April – World Immunization Week

Daily Observances:
Mar 25 – International Day of Remembrance of the Victims of Slavery and the Transallantic Slave Trade
Mar 27– Earth Hour
Apr 21 – Civil Service Day
Apr 22 – World Earth Day
Apr 28 – World Day for Safety and Health at Work

Trade Union Solidarity Campaigns

No to Trafficking

Jobs! Jobs! Jobs!

Categories