Empleyado ng DENR sa Agusan del Norte, pinatay

Published by rudy Date posted on January 25, 2019

by Charmane Awitan, ABS-CBN News, Jan 25, 2019

Pinatay umano ng kasintahan ang isang empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Nasipit, Agusan del Norte.

Wala nang buhay nang matagpuan si Imee Tampan, 34, na palutang-lutang sa dagat sa Barangay Punta nitong Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa ama ng biktima na si Felix, ilang araw ding nakikita ang kasintahan ng biktima sa labas ng kanilang bahay bago pa mangyari ang insidente. Hiniwalayan kasi ng biktima ang kasintahan pero hindi ito matanggap ng suspek.

Pinaniniwalaang hinampas ng bato sa ulo ang biktima bago pa ito pinalutang sa dagat. Ang caretaker na ng isang lodging house ang nakakita sa biktima noong Huwebes ng madaling araw.

Naaresto ang suspek at nakakulong sa Nasipit Police.

Sasampahan ng pamilya ng biktima ng kasong pagpatay ang kasintahang suspek.

Naulila ni Imee ang kaniyang dalawang maliliit pang mga anak.

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories