by ABS-CBN News, May 22, 2019
Inalmahan ng grupo ng mga employer ang panukala tungkol sa compressed work week schedule dahil sa umano’y epekto nito sa kalidad ng trabaho, kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa.
Kasunod ito ng paglusot ng Senate Bill 1571 o panukala tungkol sa alternative working arrangements para sa compressed work week. Sa ilalim nito, maaaring magtrabaho ang isang empleyado nang mas mababa sa limang araw kada linggo, basta’t hindi bababa sa kabuuang 48 oras ang natatrabaho niya sa loob ng isang linggo.
Senate OKs flexitime, alternative work arrangements bill
Lalabas na madadagdagan ang oras kada araw na kailangang magtrabaho ang empleyado kapag lumusot ang panukala, ayon kay Sergio Ortis-Luis, pangulo ng Employers Confederation of the Philippines.
Nakataya rin dito aniya ang kaligtasan at kalusugan ng mga empleyado.
Kapag apat na araw na lang kailangang magtrabaho ng manggagawa ay lalabas na 12 oras kada araw ang kailangan niyang trabahuin, paliwanag ni Ortiz-Luis.
“Alam mo ‘pag nagtatrabaho ng 12 hours, groggy na ‘yan, pagod na, baka aksidente hinahanap mo,” ani Ortiz-Luis.
Hindi raw akma ang naturang pamamalakad sa ilang klase ng industriya, lalo na sa ospital, manual labor, at mga trabahong humahawak ng makinarya.
Ayon naman sa Bureau of Local Employment (BLE), may iba pang mga flexible work arrangement na maaaring gamitin gaya ng flexi-time schedule kung saan maaaring pumili ng ibang oras ng pasok at uwi ang employer basta makompleto niya ang 8 hours kada araw na kakailanganin sa trabaho.
Dagdag ni BLE Director Dominique Tutay, mas makikinabang sa batas ang mga nasa services industry, information technology, business process management sector, at research companies.
Tingin naman ng Associated Labor Unions – Trade Union Congress of The Philippines na ang importante ay magkaroon ng kalayaang humanap ng epektibong work schedule ang mga taong hirap sumunod sa tradisyunal na oras ng trabaho.
“Madadagdagan na rin ang option para sa mga working people who are PWDs… pregnant, retirees to work from home, from coffee or internet shops at a time and place outside the normal work place upon agreement with their employers,” anang grupo sa pahayag.
Makikinabang din anila sa panukala ang mga mag-asawang sabay na itinataguyod ang pamilya.
Bukod pa rito, anila, hindi rin kailangang pumasok sa ganitong kaayusan ang manggagawa kung tunay itong makakaapekto sa kanilang kaligtasan at kalusugan sapagkat opsiyonal lang daw ang alternative work arrangements.
— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos