No-endo bill na pinasa ng Kongreso, pinuna dahil ‘mahina’

Published by rudy Date posted on May 29, 2019

by ABS-CBN News, May 29, 2019

Ikinadismaya ng ilang labor groups ang hindi pagdaan sa bicameral proceedings sa Kongreso ng panukalang security of tenure na layon daw wakasan ang ilegal na kontraktuwalisasyon.

Ito ay matapos kanselahin ang pagtalakay nitong umaga ng Miyerkoles dahil tinanggap na umano ng Kamara ang bersiyon ng Senado ng panukala.

Ikinadismaya ito ni Trade Union Congress of the Philippines party-list Rep. Raymond Mendoza.

“A bit disappointed, yes, on the process, and we could’ve enhanced it from the version in the House,” aniya.

Tingin ng grupong Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO) na taktika ito ng Kongreso para mailusot ang mahinang bersiyon ng panukala.

“Malinaw na malinaw, niloloko ng Congress ang workers. It will not solve the problem of ‘endo’ (end of contract) at ‘yung pangako ng pangulo ay nakapako pa din,” ani Josua Mata.

Paliwanag niya, ipinagbawal ang “fixed term employment” sa bersiyon ng Kamara maliban na lang kung overseas Filipino worker, on probation, reliever, project-based o seasonal employee ang empleyado.

Sa bersiyon ng Senado, hindi ginamit ang terminong ito at pangamba ng mga labor group na mauuwi ito sa mas komplikadong proseso.

“Alam natin na sa ating batas at sa ating sistema, ‘pag hindi explicit na bawal ang fixed-term employment, malamang mauuwi lang tayo sa mga legal na labanan ulit,” ani Mata.

Bagaman mas tinatanggap naman ng grupong Employer’s Confederation of the Philippines ang bersiyon ng Senado, pinuna ng grupo ang umano’y problema sa depinisyon ng “labor-only contracting” sa panukala.

Ayon sa panukala ng Senado, may labor-only contracting kung:

  • Walang sapat na kapital o investment ang isang job contractor;
    Direktang may kinalaman ang trabaho ng mga manggagawang kanilang sinuplay sa negosyo ng kompanyang pinag-suplayan, o;
    Kontrolado ng kompanya na suplayan ang trabaho ng kanilang manggagawa.

Pangamba ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis, maaaring kasuhan at parusahan ang isang kompanyang nakitaan ng kahit isa sa mga senyales ng labor-only contracting – na kinatatakutan umano ng mga foreign investor.

Tingin niya rin, kontraktuwalisasyon ang dahilan kung bakit dumarami ang foreign workers sa bansa gaya ng mga Chinese.

Mas mahal man ang sahod ng mga Chinese laborers, hindi raw kakasuhan ang mga foreign investors na sandali rin lang ang kontrata sa bansa.

Magsusumite naman ang TUCP ng apela sa mga lider ng Senado at Kamara para irekonsidera ang ilan nilang panukala na magpapalakas pa umano sa security of tenure law.–Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

July 2025

Nutrition Month
“Give us much more than P50 increase
for proper nutrition!”

Invoke Article 33 of the ILO Constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of
Forced Labour and Freedom of Association protocols.

Accept National Unity Government (NUG)
of Myanmar.  Reject Military!

#WearMask #WashHands #Distancing #TakePicturesVideosturesVideos

Time to support & empower survivors. Time to spark a global conversation. Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!

July


3 July – International Day of Cooperatives
3 Ju
ly – International Plastic Bag Free Day
 
5 July –
World Youth Skills Day 
7 July – Global Forgiveness Day
11 July – World Population Day 
17 July – World Day for
International Justice
28 July – World Nature Conservation Day
30 July – World Day against Trafficking in Persons 


Monthly Observances:

Schools Safety Month

Nutrition Month
National Disaster Consciousness Month

Weekly Observances:

Week 2: Cultural Communities Week
Micro, Small, and Medium Enterprise
Development Week
Week 3: National Science and
Technology Week
National Disability Prevention and
Rehabilitation Week
July 1-7:
National Culture Consciousness Week
July 13-19:
Philippines Business Week
Week ending last Saturday of July:
Arbor Week

 

Daily Observances:

First Saturday of July:
International Cooperative Day
in the Philippines

Categories

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.