Website na magbibigay ng dagdag-kita sa TESDA skilled workers binuksan

Published by rudy Date posted on August 4, 2019

by ABS-CBN News, Aug 04 2019

Mistulang hamon ang paghahanap ng trabaho para kina Paula Dairo at Rachelle Olayer, na kapuwa katatapos ng kursong welding sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

“Kahit wala pong work experience basta [national certificate] holder, may opportunity silang ibigay na trabaho sila sa’min,” ani Dairo.

“Dagdag-kita ‘yon eh, dagdag-opportunity para sa mga kagaya namin,” sabi naman ni Olayer.

Sa binuksang on-demand service website na 911 TESDA (https://www.911tesda.ph/), pasok sina Dairo at Olayer sa mga skilled worker na posibleng magkaroon ng trabaho at dagdag na kita.

“We are expanding ‘yong opportunities for jobs nila,” ani TESDA Spokesperson Florencio Sunico.

Naikokonekta ng website ang mga skilled worker sa kostumer na mangangailangan ng agarang serbisyo ng welder, karpintero, beautician, housekeeper, at iba pang trabaho sa pagkukumpuni, office work, beauty and wellness, at logistics at transport.

Kada serbisyo ang pagbayad sa manggagawa.

Nasa 80 iba-ibang posisyon ang puwedeng aplayan sa 911 TESDA.

Pero kasalukuyang sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan pa lang puwede ang 911 TESDA.

Libre ang pagpapalista at paggawa ng profile sa website. Kailangan lamang ay national certificate (NC) holder.

“The NC holder can earn as much because he can have as many services rendered in a day,” ani Sunico.

— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

December – Month of Overseas Filipinos

“National treatment for migrant workers!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories