Misis pinatay ng mister dahil sa selos bago nagsaksak sa sarili

Published by rudy Date posted on September 20, 2019

by ABS-CBN News, 20 Sep 2019

NEGROS OCCIDENTAL—Patay ang isang misis matapos pagsasaksakin ng kaniyang mister sa loob ng kanilang bahay sa Victorias, Negros Occidental nitong Huwebes.

Patay rin ang suspek matapos nitong saksakin ang sarili.

Base sa imbestigasyon ng Victorias police, narinig ng mga kapitbahay na humihingi ng tulong ang 40 anyos na biktima alas-10 ng umaga.

Nang puntahan ng isang kapitbahay, nadatnan nito na may tama na ng saksak ang biktima.

Nagbanta naman ang suspek na huwag makialam sa kanila kaya agad siyang humingi ng tulong sa iba.

Ilang minuto ang makalipas, nadatnan nalang ng mga kapitbahay na wala nang buhay ang biktima dahil sa tinamong 13 saksak sa katawan.

Sinaksak naman ng suspek ang kaniyang tiyan. Dinala pa siya sa ospital, pero binawian ng buhay Huwebes ng gabi.

Ayon sa mga pulis, nagtatrabaho sa isang night club ang biktima habang magsasaka ang suspek.

Selos ang nakikitang motibo ng pulisya sa insidente dahil nagdududa ang suspek na may ibang lalaki ang biktima.

Dalawang araw nang hindi nakauwi sa kanilang bahay ang suspek matapos makakuha ng barangay protection order ang biktima.

Hinintay pa umano ng suspek na pumasok sa paaralan ang kanilang mga anak bago gawin ang krimen.

Ayon sa panganay ng mag-asawa, matagal na umanong nag-aaway ang kanilang mga magulang.—Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

April 2025

World Day for Safety and Health at Work
“Safety and health at work every day!”

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.
Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!
#WearMask #WashHands #Distancing #TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors. Time to spark a global conversation. Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!

Monthly Observances:

March – Women’s Role in History Month
April – Month of Planet Earth

Weekly Observances:
Last Week of March: Protection and Gender Fair Treatment of the Girl Child Week
Last Week of April – World Immunization Week

Daily Observances:
Mar 25 – International Day of Remembrance of the Victims of Slavery and the Transallantic Slave Trade
Mar 27– Earth Hour
Apr 21 – Civil Service Day
Apr 22 – World Earth Day
Apr 28 – World Day for Safety and Health at Work

Trade Union Solidarity Campaigns

No to Trafficking

Jobs! Jobs! Jobs!

Categories