1 patay matapos mabagsakan ng sako-sakong asukal sa Negros Occidental

Published by rudy Date posted on February 23, 2020

1 patay matapos mabagsakan ng sako-sakong asukal sa Negros Occidental

Isang kargador ang namatay habang dalawa ang sugatan nang madaganan sila ng sako-sakong asukal sa storage area ng isang milling company sa Victorias City, Negros Occidental Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Rico Segurida, 41, at ang mga nasugatan niyang kasama na sina Ian Malana at Roland Romalis.

Sa imbestigasyon ng pulis, maaring nagalaw ang pundasyon na siyang pinapatungan ng mga stockpile ng asukal sa Victorias Milling Co. kaya ito bumigay at bumagsak sa mga kargador.

Ayon kay Police Lt. Col. Eduardo Corpuz, ilang oras ang lumipas bago ipinaalam ng milling firm ang nangyari sa mga biktima.

Iniimbestigahan pa ang pangyayari.

by Nico Delfin, ABS-CBN News, 23 Feb 2020

Nov 25 – Dec 12: 18-Day Campaign
to End Violence Against Women

“End violence against women:
in the world of work and everywhere!”

 

Invoke Article 33 of the ILO constitution
against the military junta in Myanmar
to carry out the 2021 ILO Commission of Inquiry recommendations
against serious violations of Forced Labour and Freedom of Association protocols.

 

Accept National Unity Government
(NUG) of Myanmar.
Reject Military!

#WearMask #WashHands
#Distancing
#TakePicturesVideos

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories