19 babaeng Chinese at 6 na Pinay, nasagip sa isang hotel na pugad umano ng prostitusyon

Published by rudy Date posted on February 7, 2020

by KBK, GMA News, 7 Feb 2020

Sinalakay ng Makati City Police ang isang hotel na pugad umano ng prostitusyon, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Labing-siyam na babaeng Chinese at anim na Pinay ang nasagip.

Isang informant ang nagtimbre sa pulisya tungkol sa nangyayari sa lugar.

Online o sa isang messaging app ginagawa umano ang transaksiyon.

Umaabot sa P15,000 umano ang bayad kada package at dapat daw ay may Chinese sponsor.

Sa kanilang operasyon, may naaktuhan pa umano ang mga operatiba at may mga nakuha ring condom.

Bukod sa mga nasagip na babae, dinala rin sa presinto ang mga inabutang customer. —

March is Women's Month.

Time to support & empower survivors.
Time to spark a global conversation.
Time for #GenerationEquality to #orangetheworld!
Trade Union Solidarity Campaigns
Get Email from NTUC
Article Categories